Tuesday, July 28, 2009

Sana....lahat ng may buhay ating ingatan!


Pansin nyo ba na marami satin ang di marunong mag pahalaga at gumalang sa nararamdaman ng ibang tao, walang awa at malasakit sa may mga buhay sa lansangan!
July 25, 2009 9:15 am nakalabas ang pet ng baby ko, isang sasakyan ang mabilis na dumaan at sya,y nasagasaan, ang lakas ng iyak ng batang nakikita nyo sa larawan, pero di man lang huminto ang walang pusong sumagasa kay Mocah, (pet)

Ikaw na driver na walang puso't kaluluwa, tama bang sa isang subdivision ay magpatakbo ka na kala mo ikaw ang may ari ng kalsada? sana naman sa inyong lahat....magkaron naman ng malasakit kahit na isang tuta ang inyong makita sa kalsada, di tulad ng ginawa nya na sinagasaan nalang bigla, ni paumanhin wl.

Sa aking anak akoy naaawa, alam nyo po bang mula ng mapunta sa kanya si Moca, tabi pa sa kama takot na ginawin kapag inilabas nya, dipa kumakain ng husto kaya sa gatas nya,y kasalo pa, at ngayon nga after 3 days na pag hihirap nya, gamot ay dina kinaya, kaninang umaga July 28,2009 sya ay sumuko na!

Pag gising ng baby ko hanap ang alaga, sabi nya....mama, uminom naba ng gamot si Moca? nang sinabi kong patay na, agos ang kanyang luha, humihikbi pa, pinahuhukay sakin si Moca! kahit tuta lang sakit sa dibdib lalo't anak mo ang nakikita mong lumuluha ano po?

Friday, July 17, 2009

Ang tagal kong nawala......

Kumusta po sa inyong lahat, grabe! ang tagal kong nawala, medyo naging busy lang po lately., Sumabay pa ang trangkaso saming lahat, kaya ayon...walang nagawa, walang post na nabuo, pro ok lang po ang mahalaga, ok na ang lahat.

Happy reading po! God Bless!!!