Kilala siya sa pagiging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Tinawag din siyang dakilang mambabatas at ama ng wikang pilipino.
Si Manuel Luis Quezon ay isinilang noong Agosto 19,1878 sa liblib ng bayan ng Baler (Aurora) sa Tayabas. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Molina na parehong mga guro. Si nonong kung siya'y tawagin, ay unang tinuruan ng kanyang mga magulang ng mga gawaing pampaaralan. dahil napakatalino, siya ay laging nangunguna sa kalase. Nagtapos siya ng elementarya sa isang paaralang pinamamahalaan ng mgs pari sa Baler.
Si Quezo0n ay nagtapos ng sekondarya sa kolehiyo ng Sanjjuan deLetran. Ipinagpatuloy niya ang pag- aaral ng batas sa pamantasan ng santo tomas subalit nahinto ang kanyang pag-aaral dahil sa pagsiklab ng himagsikang pilipino-Amerikano noong 1899. Siya ay umanib sa hukbo ni heneral maskardo. Nang mahuli ng mga Amerikano si Aguinaldo, sumuko si Quezon,Kabilang ang mga manghihimagsik na mga pilipino, sa mga dayuhan.Nang matapos ang himagsikan,ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng batas at naipasa ang eksamen sa pagiging manananggol noong 1903.Kabilang siya sa limang may pinaka mataas na antas.
Noong 1904,nagsimula siyang manungkulan sa pamahalaan. Naging piskal siya ng Mindoro at nahalal naman na gobernador ng Tayabas Quezon. Nahalal naman siyang kinatawan ng Tayabas sa Unang Pambansang Asamblea noong 1907.Nahirang din siyang komisyonado ng Asamblea sa Washington. Sa kanyang mga talumpati sa Kongreso ng Estados Unidos ay ipinahayag niya ang marubdob na pagmimithi ng mga Pilipino upang magsarili.Nahalal na senador si Quezon at naging kauna-unahang pangulo ng senado.
Pinsan niya ang kanyang napangasawa,si Donya Aurora Aragon.kilala sa ganda ito at ang kasalan ay ginanap sa hongkong.Tatlo ang kanilang naging supling,si Maria Aurora,Zenaida at Manuel Jr.
Dahil sa pinagtibay na batas ng Tydings-McDuffie, nagkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas sa tiyak na panahon. Noong Setyembre,1935, nagkaroon ng pambansang halalan para sa Pangulo, Pangalawang Pangulo at mga Kinatawan at Senador na siyang bumuo ng Pamahalaang Komomwelt. Nahalal na Pangulo si manuel L Quezon at Pangalawang pangulo si Sergio Osmena. Ipinatupad niya ang kanyang plata porma sa pagpapaunlad ng kabuhayan,pamahalaan,edukasyon at kultura ng bansa. Noon ding panahong iyon, Nagkaroon ng isang wikang pambansa.
Noong 1941, muli siyang nahalal na pangulo ng bansa. Hinde pa niya natatapos ang kanyang panunungkulan nang sumiklab ang ikalawang Digmaang Pandaigdig.Nasakop ng mga Hapones ang maynila noong Disyembre, 1941.
Dahil sa digmaan, lumikas sila sa Estados Unidos kasama ang ilan pang matataas na pinuno ng pamahalaan. Dumalo pa rin siya sa Kongreso ng Estados Unidos kahit malubha na ang kanyang sakit na tuberkulosis.Paulit-ulit niyang ipinahayag ang pangangailangang mahango ang bansang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones. Ang kanyang mga talumpati ay nagpaalala sa mga mambabatas na Amerikano ng pagkamatapat at pagsasakripisyo ng mga Pilipino laban sa mga hapones para sa Estados Unidos at ang pangako nitong kalayaan.
Noong Agosto, 1944, siya ay namatay sa Saranak lake sa New York na hindi na nakita ang pagsasarili ng Pilipinas. Siya si Quezon,ang dakilang lider,mambabatas,bayani,unang Pangulo ng Komomwelt ng pilipinas at ama ng wikang pambansa.