Tuesday, February 17, 2009

Edroza Matute

Genoveva Edroza Matute


Si Genoveva Edroza-Matute ay hindi lamang sikat at premyadong kuwentista. siya ay isa ring guro at awtor ng aklat sa Balarilang Tagalog. Nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.


Siya ay nagturo ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal College (ngayon ay Philippine Normal University) noong 1980. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992.


Maraming ulit siyang nagkamit ng Gantimpalang Palanca. Mabisa at madaling unawain ang kanyang pananagalog. Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala ay Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Pusa ng Isang Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik.


Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press


No comments: