Sunday, August 30, 2009

Agosto....linggo ng wika......

Magandang araw po sa inyong lahat mga kababayan ko, pasensya na kayo at nahuli ako sa post ko, mangyari po kasing masyado akong naging abala, subalit....naihabol ko rin po, he! he! ibabahagi ko po sa inyo ang mga larawan at maga ginampanan ng mga natatanging mag aaral ng L.G.I

Ito po yong sa sabayang bigkas ng 2nd year_A kasama po dyan ang princess ko at sila po ang nanguna sa patimpalak!
Kinder 2 ang sumayaw ng bulaklakin!

muli, isa pang sabayang bigkas ginanapan naman ng unang pangkat, kilala nyo ba yang nasa gitna????

gumagapang po sya bilang nakikipag labang sundalo!
kita nyo yang may pamaypay, lola ko po he!he! 5 taong gulang nasa unang baitang!

ilalathala ko pa po ang iba sa susunod....maraming salamat po!

Monday, August 17, 2009

Pinoy Sole Survivor season 2!!!

Dumating na naman ang araw na pinaka hihintay natin, ang umpisahan ang pangalawang season ng...Pinoy Sole Survivor Philippines, hinati sa 2 ang grupo bilang Koror sa pamumuno ni ate Carol ...Echo, Louie, Tara,Jstine, Marvin, Charles, Suzuki, at Airai sa pamumuno ni Cris, Maya, Vlad, Jef, Amanda, sa palagay nyo sino ang mag wawagi? ako, malakas ang pakiramdam ko babae.



Kita nyo ba, umpisa pa lang talagang makikita natin na medyo kaiba ang mga game at my kahirapan, lalo na ng buhat buhat na nila itong ki bigat-bigat na box, at....kita ang mga ugali ha, unang araw pa lang talagang marami ng naiirita, he!he! goodluck guys!

nanalo ang Airai, ok guyz bukas nalang ulit, nood ulit tayo!

Cris Bolado
Former PBA Player

Mika Batchelor
Sexy Chef

Shaun Rodriguez
Fitness Buff and a Dad

Maya Segovia
Lady Pilot and a Mom

Amanda Coolley Van Cooll
Female Construction Worker in Alaska USA

Charles Fernandez
Businessman/Raketista

Jef Gaitan
Student and Part-time Model

Troy Perez
The Mentalist

Suzuki Sadatsugu
Japinoy Criminology Student

Echo Caceres
Call Center Agent

Vlad Nesas
Brainy Model

Carol Gementiza
Terror Teacher

Marvin Kiefer
Model Hunk

Tara Jane Masias
English Tutor for Koreans

Louie Ang
Chickboy I.T. Professional

Justine Ferrer
Beauty Queen and Businesswoman

Sunday, August 2, 2009

Happy b-day Kyle Ivan Maneja!!!

Tama na mona ang lakwatsa, mag popost mona ako ng mga picture saming pinuntahan, papakita ko sa inyo ang pamangkin kong may kaarawan, Si Kyle Ivan po ang pangalan.


Ne, ayan yong invitation ni Ivan! sana kahit papano mapawi ang pangungulila nyo sa inyong anak pag nakita nyo ang mga larawang ito, lagi nyong iisipin na para sa kanya ang inyong ginagawa, inihahanda nyo ang magandang kinabukasan nya habang sya ay bata pa.Hwag kayong mag alala, saming nakita talagang mahal na mahal syang lolo at lola nya!
ayan si trish my topak kc....wala nakuha sa pabitin, malalaman nyo kung bakit!!!!

Ang makukulit na dumayo ng Pampanga, trix, Diane, Jensy
Ayan po si Ivan, iniinis ni Trixy kasama si tatay!
pinag kakaguluhan po ang bday boy, tapon dito tapon doon lahat ng mahawakan.
Anak ni Ian, kasama si Nanay Lita, maraming salamat po nay, tay, sa mainit na pag tanggap nyo samin, sana po mkarating rin kayo dito samin, censya napo sa lahat ng mga kakulitan. sana po nay mabuhay ko ang bigay nyong halaman.(yellow bell)
galit talaga ako ninang nene, dinaya po ako sa agawan!
pahinga mona, ne, si eve, negra, anak aiza, shella,Evang, trixs

grupo nila tatay,
ayan, nakita nyo na kung sino ang nag aabang sa penyata???may nakita ba kayong mga bata???he!he!
HAPPY B_DAY Ivan!!!
The b-day boy!!!
ito yong sa dinaanan namin habang papunta kame sa Sta Anna pampanga, bundok arayat po ung nasa likod, katakot ung nasa una diba?momong damo!!!
See the beauty of bundok ARAYAT!!!
Binagtas namin yang tulay na yan na napaka haba, ang ganda!
KUlitan sa car!!! sa baba ang 3 diwata ng kagubatan!

Saturday, August 1, 2009

Paalam....President Cory Aquino!!!



Para po sating lahat, taimtim po tayong manalangin para kay tita Cory na pumanaw napo kaninang 3:18 Saturday ng madaling araw. Nakakalungkot pong isipin na sa loob ng mahigit 1 year nyang pakikipag laban sa kanyang karamdaman ay sumuko na ang kanyang patang katawan, sa edad na 76. Sana wag natin syang maklimutan, lagi nating alalahanin ang mga magagandang bagay na ginawa nyang pakikipag laban para sating bayan.



Mahal naming Cory Aquino!
Sa'yong paglisan,taus pusong pananalangin ang aming gagampanan
Kahit na alam kong sa tunay na paraiso iyong patutunguhan dahil sa busilak mong kalooban at kabutihan Sating inang bayan! akin pong idadalagin, sa puso ng taong bayan....
Pag limot sayo'y di bigyan ng puwang dahil sayong kagitingan!!!

saking sarili mag tanong ay di maiwasan, bakit....kalimitan mabubuting loob ang maagang lumilisan?
kung sino pa ang may naitutulong sa ating bayan, at sating mamamayan!
sana....ikaw ay nag stay nalang, Lord, cancer ng lipunan sana inuna mo nalang, patawad po sa salitang binitiwan, Pagkat....tunay lang pong Cory Aquino, masakit sa dibdib na sya'y lumisan!

Maraming salamat'
Gng.CORY AQUINO!!!