Sa mga araw na nagdaraan, dimo ba napapansin kapaligiran natin iba na ang mga tanawin, dating malalagong puno unti-unti naring naglalaho, at mga nag lalakihang Subdivion itong tumutubo, dating preskong hangin ngayo,y pangnib ang dala sa atin, pagkat masasamang simoy ang dala nitong hangin.
malalaking pabrika mahaga ay kumita ng malaking pera, walang pakialam kung sila ay makapamuksa, mga taong walang pakundangan, tpon dito tapon doon ng kanilang mga basura, mga ilog na dapat pinakikinabangan pa, ngayo,y patay na at makikita mo may tubig nga pero...itim na, tanging mga basura ang dinuduyan nya.
Kaylan tayo magigising, upang kalikasan ay pangalagaan na, diba,t dapat tayo,y kumilos na upang hanggat maaga,y maisalba pa ang nanganganib na kalikasang biyaya ni ama,at mga susunod na genaration, silay may mana pa.
Sa lahat po ng may malasakit, ikalat po natin na sana....ingatan po naten ang ating kalikasan, sa totoo po lamang kung ako,y naging isang mayaman...saang sulok man ng mundo gagawin kong libangan ang magtanim at magpatanim ng mga punong kahoy para mapangalagaan ang ating kalikasan, nakakatakot napo kase, kung inyo pong mapapansin talagang iba na yong climate ang dami ng sakuna, lalo po ang mga pag baha at landslide.
Kaya sana po gumawa tayo ng paraan para makatulong at ingatan ang ating mundo, tayo rin naman ang makikinabang diba? itapon naten ang mga basura sa dapat lagyan, hindi yong maalis lang sa inyong bakuran eh...kung saan saan nyo na ihahagis, dipo tama yon. maraming salamat po!
No comments:
Post a Comment