Monday, October 26, 2009

Halloween!!!

Padaan daan lang po, kamusta sa lahat! medyo busy sa pag gawa ng custume ng tatlo ko, yap!!!gawa ko lang, kailangan kase ngayon tipid para makaraos sa lahat ng bagay, he!he! gusto nyong makita gawa ko, medyo masalimuot, pero okey narin!

Ginawa ko isang kapa ni Vampire para sa baby boy ko, Sadako for my Princess, and...little kamatayan for my Trish.

Friday, October 9, 2009

Ginataang alimasag....


SANGKAP:

1- kilo medium alimasag
kalabasa as u like
1- big coconut
1-med onion
3-pcs. sili green
1-cup malunggay leaves
1-cup string beans (sitaw) or sigarillas
4-cups water
salt to taste, ajinomoto

PAMARAAN:
hugasang mabuti ang alimasag, siguraduhing nalinis ng ayos,
gataain ang niyog,ibukod, igisa ang sibuyas till ligth brown, ibuhos ang gata haluin ng dahan dahan hanggang kumulo, ilagay ang alimasag, sili, after 2 minutes isunod ang sitaw....kalabasa, hayaang kumulo sandali, haluing minsan, upang di madurog, timplahan ayon sa pang lasa,huling kulo ilagay ang malunggay, hanguin.

Experiment....sarap!!!

Ingredients:

1- egg(beaten)
1- cup Quaker oats
hot dog as needed
quick melt cheese
sliced bread (gardenia is better) make it flat by using rolling pin
cooking oil ( good for frying)

Procedure:

gawing parang spring roll, ipalaman ang cheese at hotdog, dip to the beaten egg, then roll it to the Quaker oats. then fry it untill ligth brown.

** mas masarap to pag medyo mainit pa, im sure... your kids will like it! yummy!!!

Alyssa Bernal...San Antonio

.....medyo na trapik ako, pag open ko kase ng site ko, nakita ko agad itong blog ni Super G, tungkol dito kay Ms Alyssa Bernal, click ko nga agad, akala ko si Vanessa Hudgens yong sa High school musical, he!he! look like lang pala, pang pinay lang pala name nya pero taga San Antonio, lupeeeeeet ha, galing ng boses, may mararating sya. tnx super G...


Friday, October 2, 2009

Csjodem prisa ....2


Ito na ang picture ng ating kandidata,yan ang aming pinag hirapan, sorry late ang post !
diko parin napa scan iba, he!he! sexy baby ko noh!
Ito ang casual wear, medyo malabo
Post lang anak kahit pagod na!
Thanks for dropping by! God bless!

Typhoon Pepeng!

Talaga bang galit na ang kalikasan? di pa man nakakabangon sa bagyong Ondoy....Ito nanaman ang pag sagupa ng panibagong bagyo, ano na kaya ang mang yayari sa mga kaawa awang mas higit na nasalanta ng bagyong nag daan, makakabangon pa kaya sila kung ganitong....ito nanaman si Pepeng???

Ang malakas po nating gabay sa ngayon ay ang taimtim na panalangin, tutulungan nya tayo, sakali mang medyo mabigat ang maranasan nyo, wag sanang sasagi sa isip nyo na pinabayaan na tayo ng mahal na lumikha, pag subok lang satin to para mas maging matatag ang panalangin natin sa kanya, at isa narin itong pag kalampag sa karamihang nahihimbing at nakakalimot sa lumikha, maging aral sa bawat isa satin ang mga nang yayaring sakuna, igalang natin ang kalikasan, upang ganti nitoy ating maiwasan.

Thursday, October 1, 2009

CSJODEMPRISA...abangan nyo!

Bilang magulang we loved our kids diba? we need to support what they really like to be, he!he! kabilang ang anak ko dyan at her age of 5 talagang makikita na ang kanyang gusto, sabi nga nya samin ng papa nya...she want to be a Ms universe someday and... maging Pedia, who knows diba, besides libre ang mangarap, at ito nga were to busy sa nalalapit na mz Prisa sa Oct.03, 2009 that will be on Saturday na.

manalo matalo, ok lang coz...its just to build there self confident, pero its more be better if...manalo sya diba? abangan nyo po, i will post some photos after the Pageant, at taus puso po naming ipinararating ang aming pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta.

Maraming salamat po sa mga sumusunod...

To my hubby who really support us sa kakulitan naming mag ina!

to all the staff of medical data services inc, to ate Cristy Yuson, to our Ninang Nora Salasac in Muzon sn jose bulacan, Ms, Lerming Cataniag of muzon Bulacan, to ate Marita Bautista in San Vecente Bulacan, to my super kulit friend..Leny Buenaventura of Muzon sn jose Bulacan, to ate Espie Nucillado in Muzon also, to all ninangs...Maricel Decena of Cyprus, Imee Maneja, Mariam Bacusa of Riyadh K.S.A, to my brothers...Vanie, Joel and kuya Lito Lorenzo of Riyadh,mga bro thanks sa lahat, sisters... Beth Ape Lorenzo, Jo Cabuang Lorenzo, Ninong Janno Constantino of Muzon, to my Mom sally Lorenzo,Thanks everyone, God Blesss us!!!

Bagyong Ondoy....walang awa!!!

Buksan natin ang ating puso sa lahat ng naapiktuhan ng bagyong Ondoy, nakikita natin sa araw-araw na mga balita ang mga kaawa awang biktima nito, ang mga batang walang makain at may mga sakit, sana kahit sa simpling tulong magawa natin, at wag nating kakalimutan ang manalangin sa puong may kapal.

Kahabag-habag lalo na kung makikita mo sa personal ang kanilang mga kalagayan,sa tagal kong pinag mamasdan ang lahat ng aking dinadaan...diko na malayan tumutulo na ang luha ko, naisip ko totoong mapalad pa ako, nayayakap ko pa ang mag aama ko, kasama ko ang mga mahal ko, pano kaya sila? kompleto pa kaya sila gayong inanod na ng baha ang bahay nila? mga gamit na naka kalat sa labas na wala ng kapakinabangan, mga bahay na wasak, at puno ng malapot na putik.

Kabuhayang pinag hirapang ipundar, mga pangarap na pilit tinupad para sa mga mahal na pamilya....ngayon, sa isang iglap wala na, Pero...taus puso po tayong mag pasalamat sa diyos....kabuhayan lang ang kinuha, wag lang po ang mga mahay nating pamilya, sa tulong po ng bawat isang membro ng pamilya, may awa ang diyos...makakabangon tayong muli!

Sa lahat po ng mga kabayan kong nasalanta at nag hihirap din, wag po tayong mawalan ng pag asa...sabi nga po, nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa, mahirap mag umpisa muli, pero...kaya po natin yan.