Thursday, October 1, 2009

Bagyong Ondoy....walang awa!!!

Buksan natin ang ating puso sa lahat ng naapiktuhan ng bagyong Ondoy, nakikita natin sa araw-araw na mga balita ang mga kaawa awang biktima nito, ang mga batang walang makain at may mga sakit, sana kahit sa simpling tulong magawa natin, at wag nating kakalimutan ang manalangin sa puong may kapal.

Kahabag-habag lalo na kung makikita mo sa personal ang kanilang mga kalagayan,sa tagal kong pinag mamasdan ang lahat ng aking dinadaan...diko na malayan tumutulo na ang luha ko, naisip ko totoong mapalad pa ako, nayayakap ko pa ang mag aama ko, kasama ko ang mga mahal ko, pano kaya sila? kompleto pa kaya sila gayong inanod na ng baha ang bahay nila? mga gamit na naka kalat sa labas na wala ng kapakinabangan, mga bahay na wasak, at puno ng malapot na putik.

Kabuhayang pinag hirapang ipundar, mga pangarap na pilit tinupad para sa mga mahal na pamilya....ngayon, sa isang iglap wala na, Pero...taus puso po tayong mag pasalamat sa diyos....kabuhayan lang ang kinuha, wag lang po ang mga mahay nating pamilya, sa tulong po ng bawat isang membro ng pamilya, may awa ang diyos...makakabangon tayong muli!

Sa lahat po ng mga kabayan kong nasalanta at nag hihirap din, wag po tayong mawalan ng pag asa...sabi nga po, nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa, mahirap mag umpisa muli, pero...kaya po natin yan.

No comments: