Kuwaresma na at kasabay nito ang pagtindi ng El Nino. dalawang kapaligiran ang tila natutuyot,ang kalikasan at ang kalooban.dalawang uri ng kapabayaan at kawalan ng pag mamalasakit ang sanhi ng katuyutan sa dalawang ito.Nauubos at nawawala na ang tubig dahil sa kawalang- malasakit para sa kalikasan na makikita sa pag aksaya at abusadong paggamit ng tubig at sa pagsira ng mga pangangailangan nito tulad ng bundok, mga lawa at ilog.Nauubos din ang panloob na tubig, ang tubig ng ating kaluluwa at pagkatao dahil sa ating pagpayag sa kababawan, kaplastikan at kawalan ng malalim na kabuluhan na siyang pinaglalaban ng buhay.
Dahil dito, nanunuyot ang dalawang larangan ng ating buhay, ang panglabas at pangloob o ang ating Espiritu.
Kuwaresma ngayon, magandang pagkakataon na kapwa tingnan at kumilos para tunghayan ang panunuyot ng kalikasan at kalooban. Marami tayong bagay na maaring gawin. Tulad ng tangkilikin at protektahan ang tulad ng tubig at kalikasan ng kaluoban.
Iwasan at itigil na ang anumang uri ng pag-aaksaya sa anumang bagay lalung-lalo na ng tubig, panahon, pera, talino at kung ano pa, Ituro ang pagtitipid sa mga bata. Sikapin ng mga nakakatanda na maging mabuting halimbawa.
Manahimik araw-araw at suriin ang personal na buhay at tingnan kung paano tayo nag-aksaya o nagmalasakit sa araw na nagdaan. Sa pang araw-araw na pananahimik,ating padadaluyin ang tubig ng konsensya at ating pasisiglahin ang ating kalooban.
Ang akda pong ito ay nabasa ko sa PILGRIM, isinulat kopo upang maibahagi sa iba pa, sana po ay makakuha tayo ng isang bagay na dapat na nating umpisahan, isang bagay na makakabuti sating kalikasan at sating lahat, naway mag karoon na tayo ng aral sa mga kasalukuyang nangyayaring trahidya sating mundo.
No comments:
Post a Comment