This is where I share my cooking recipes and anything to ease the work of mothers around the world... enjoy!
Thursday, April 1, 2010
Mahal na araw!
Kuha ito sa loob ng simbahan, makikita naten sa lugar na ito lahat ng Santo ay naka cover, maliban kay Jesus, sa baba naman ay makikita naten kung saan sya inilibing noon. Naabutan pa namen ang Novena.
Araw ng pangingilin, sakripisyo, pagtitiis at paggunita sa kamatayan ni jessus. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang ilang larawang kinuha ko kagabi sa aming pinuntaha, sa national Shrine of Divine Mercy, matatagpuan po ito sa sta. Rosa-1, marilao, Bulacan.
Subvukan nyo pong dumalaw minsan, at tinitiyak kong magugustuhan nyo po ang palagiang pag dalaw dito, kasama ang inyong pamilya.
Lagi po nating alalahanin na napakasarap isipin na lagi nating kasama ang ating pamilya, lalo na sa minsanang pag lalakad, kita nyo po ang bunso ko nagpakarga na sa papa nya, pagod...pero magaan sa pakiramdam.
Kinunan ko rin ang napakaraming mga deboto roon, sayang nga lang at diko nakunan ang sinakulo, kase sa dami ng tao...di ako makasingit!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment