This is where I share my cooking recipes and anything to ease the work of mothers around the world... enjoy!
Wednesday, May 28, 2008
Ang batang Quezon Province.
**********************************************************************************************
Buenavista Quezon province, dyan po ako isinilang noong...Dec.28,1973. kinamulatan ko ang isang masayang pamilya, ckahit nga sabihingsimple lang ang buhay namen, malawak ang sakahan ni papa sapat para di kame sumala sa oras. lahat ng mga pang araw araw na ulam nakukuha lang namen sa mga pananim ng amaing ama, minsan sinama ako ng papa ko mangisda, sumakay sa isang bangka na walang katig, tumatagilid talaga pag di timbang ang pagkaka upo ko, nasa malalim na kame noon, sabe ni papa....hagis ko daw lambat!ginawa ko yong sinabe nya, lam nyo po...konte lang nahuli ko kc kaylangan pala mabilis ang pag laladlad ng lambat.
Kahit babae ako, marami syang naituro saken, na halos pang lalake lang. Ginawan nya nga ako ng tirador, tapos kasama ako ng kuya ko sa gubat. Minsan nga, siguro tinatamad tong kuya ko sa pagpasok,kase biro nyo 9 kilamiters ang lalakarin nmen papuntang skol pag wala kaming kalabaw! grabe ang putik pa kaya! alam nyo po kung ano ginawa ng kuya ko? inaya nya ako sa gubat,pinandaw nya ang mga bitag nya,ang dame ngang huli ng kuya ko eh,doon din namen kinain yong baon naming tanghalian,nagsulat din kame ng kung anu-ano sa gubat pra pag tiningnan ng papa ko note's namen eh...may ipakita kame!
Dumating kame sa bahay hapon na,syempre po sasabayan din namen yong uwian ng mga studyante,ok na sana kaso...tinanong ako ng papa ko,yon pala dumaan sa bahay mga kaibigan namen tinatanong bakit kame di pumasok!hala dapa kame mas malakas palo sa kuya ko kc....sya kuya eh! (kaya kayo...wag kayong mag lalakwatsa)nagalit ang kuya ko saken, hinde nya ako binaba pagpasok kinabukasan, ito pa matindi....iniwanan nila ako nong hapon ng uwian, 8yrs old palang ako noon, takot na takot akong nag lalakad pauwe, biruin nyo agaw na ang dilim at liwanag, ang lakas pa ng ulan, sabe pa nga nila my balo (nagpapakita) sa dadaanan kong punong mangga! lakad takbo, iyak ang ginawa ko. pagdating ko sa ilog na tawiran ang lake ng baha!
Ang dilim dilim na,upo nalang ako sa puno iyak,bute nalang dumaan ang tito ko galing ng bayan,nakasakay sya sa kabayo,sa lake ng baha,di talaga makakatawid basta-basta ang tao, pinagalitan nya ako, bakit daw nahuli ako uwe, eh...kung alam nya lang na iniwan nga ako ng kuya ko! itinali nya yong lubid sa puno habang hawak ko yong kabilang dulo, pagkatali nya, bumalik sya saken, tinali nya yong lubid sa katawan ko, dinadala ako ng baha!habang tumatawid ako.
Pagkaraan po ng isang taon, pumunta po kame ng cavite pra don na manirahan at magtrabaho ang papa ko kasama ng tito ko. Hindi po namen akalain na ilang buwan lang ang lilipas ay mawawalan na kame ng ama. hinoldap po si papa nanglaban kaya napatay! simula po noon, lahat ng hirap naranasan naming mag iina, sa dahilang wala namang alam na trabaho si mama, kase date sa bahay lang sya ayaw ng papa ko na magtrabaho sya. lahat napo ginawa ng mama ko, pra mabuhay kaming magkakapatid, tumutulong din po kame mag lako ng mga paninda nyang kakanin sa palingke!
Hindi po nagtagal nagkahiwahiwalay kaming magkakapatid, yong kaptid kong babae napunta sa tita ko sa Quezon, ang kuya ko naiwan sa cavite, ako kasama ako ng mama ko sa project 4, nagtatrabaho sya sa tita ko, habang ako pumapasok, mahirap palipat lipat ako non, may time pa na napunta ako ng Sta mesa, my umampon saken non, ilang buwan lang binawi ako ng mama ko, mahirap pala ang mawalan ng ama, alam nyo po lagi akong umiiyak, lalo na ng iwan ako ni mama sa tito ko sa cavite, graduation na non 2weeks nalang wala pa akong pambayad sa toga, as in wala pa akong kahit anong gamit, buti nalang may lola tinay ako, (mabait lang sya saken) sinasama nya ako sa kapihan nya, mag tatangal kame ng mga usbong sa katawan ng kape, tapos pag uwe namen bibigyan nya ako ng 20 pisos! tatago ko po yon, gang nakaipon ako para sa graduation namen.hanngang naka ipon po ako ng lahat ng gamit ko sa pag sama sama ko sa kanya.
hindi po talaga biro ang mabuhay ng mawalan ng isang ama, kadalasan nga po na iinggit ako noon sa nakikita kong mag anak na sama-samang namamasyal, kung buhay lang si papa, sana... hindi namen kailangan magka layo-layong magkakapatid, hindi ko kaylangang tumira sa ibat-ibang tao pra makapag aral. salamat na nga lang po, may kumupkop talaga at nag paaral saken, at isa napo dyan ang tita Nora ko,kahit indi ko po sya kadugo tinuring nya akong di iba, lahat ng pangangailangan ko sa skol sya po ang bumibili, hindi kona kailangang umiyak tuwing may exam dahil wala akong promisory note's.alam nyo po nong time na mag Js ako, sila pong mag asawa ang gahol na gahol sa pag sama saken sa pag hahanap ng gown ko. nagpapasalamat po ako ng lubos sa kanya, till now naka suporta parin sya saken. ninang kona po sya sa kasal ngayon!
Naguguluhan kayo no?ang titaNora ko po...yon ang tawag namen sa kanya, marami po kaming ampon nya,pinag aral kahit di kaanu-ano.talagang mabait lang po sya,ganon din po yong kaisa-isa nyang anak, sa kabutihan po nila lalo silang pinag papala. Sa grupo po naming pinag aral nya sa awa po ng Dios eh...nakapag work na sa ibang bansa.
Sa ngayon po dito na kame naka base sa bulacan, dito napo ako naka pag asawa at masaya po ako kasama ang mag aama ko! pag may pakakataon po nagbabakasyon kame sa Quezon kahit sandali. Nakakamis din po kase yong mga lugar don. lalo yong fresh air at pag kain.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment