Thursday, December 3, 2009

Happy Christmas everyone!!!

Count down naba kayo??? merry x mass po sa inyong lahat!!! sana po maging masaya at sama-sama ang buong pamilya.

Saturday, November 14, 2009

Pacquiao Vs Cotto fight!!!


Manny Pacquiao-Miguel Cotto mega-fight saying the outcome will be decided not only by the fighters in the ring but the role both corners play.

Ito na ang muling araw na pinakahihintay natin, mahirap ang laban dahil kita naman natin ang katawan at lakas din ni Cotto, pero...ako, alam kong kakayanin ng pambansang kamao natin na maipanalo ang labang ito,at ang labang ito ang bagong masusulat na...7x sunod-sunod na panalo ni Pacman, he!he! pwesto na tayo, malapit na!

Round 1:

Monday, October 26, 2009

Halloween!!!

Padaan daan lang po, kamusta sa lahat! medyo busy sa pag gawa ng custume ng tatlo ko, yap!!!gawa ko lang, kailangan kase ngayon tipid para makaraos sa lahat ng bagay, he!he! gusto nyong makita gawa ko, medyo masalimuot, pero okey narin!

Ginawa ko isang kapa ni Vampire para sa baby boy ko, Sadako for my Princess, and...little kamatayan for my Trish.

Friday, October 9, 2009

Ginataang alimasag....


SANGKAP:

1- kilo medium alimasag
kalabasa as u like
1- big coconut
1-med onion
3-pcs. sili green
1-cup malunggay leaves
1-cup string beans (sitaw) or sigarillas
4-cups water
salt to taste, ajinomoto

PAMARAAN:
hugasang mabuti ang alimasag, siguraduhing nalinis ng ayos,
gataain ang niyog,ibukod, igisa ang sibuyas till ligth brown, ibuhos ang gata haluin ng dahan dahan hanggang kumulo, ilagay ang alimasag, sili, after 2 minutes isunod ang sitaw....kalabasa, hayaang kumulo sandali, haluing minsan, upang di madurog, timplahan ayon sa pang lasa,huling kulo ilagay ang malunggay, hanguin.

Experiment....sarap!!!

Ingredients:

1- egg(beaten)
1- cup Quaker oats
hot dog as needed
quick melt cheese
sliced bread (gardenia is better) make it flat by using rolling pin
cooking oil ( good for frying)

Procedure:

gawing parang spring roll, ipalaman ang cheese at hotdog, dip to the beaten egg, then roll it to the Quaker oats. then fry it untill ligth brown.

** mas masarap to pag medyo mainit pa, im sure... your kids will like it! yummy!!!

Alyssa Bernal...San Antonio

.....medyo na trapik ako, pag open ko kase ng site ko, nakita ko agad itong blog ni Super G, tungkol dito kay Ms Alyssa Bernal, click ko nga agad, akala ko si Vanessa Hudgens yong sa High school musical, he!he! look like lang pala, pang pinay lang pala name nya pero taga San Antonio, lupeeeeeet ha, galing ng boses, may mararating sya. tnx super G...


Friday, October 2, 2009

Csjodem prisa ....2


Ito na ang picture ng ating kandidata,yan ang aming pinag hirapan, sorry late ang post !
diko parin napa scan iba, he!he! sexy baby ko noh!
Ito ang casual wear, medyo malabo
Post lang anak kahit pagod na!
Thanks for dropping by! God bless!

Typhoon Pepeng!

Talaga bang galit na ang kalikasan? di pa man nakakabangon sa bagyong Ondoy....Ito nanaman ang pag sagupa ng panibagong bagyo, ano na kaya ang mang yayari sa mga kaawa awang mas higit na nasalanta ng bagyong nag daan, makakabangon pa kaya sila kung ganitong....ito nanaman si Pepeng???

Ang malakas po nating gabay sa ngayon ay ang taimtim na panalangin, tutulungan nya tayo, sakali mang medyo mabigat ang maranasan nyo, wag sanang sasagi sa isip nyo na pinabayaan na tayo ng mahal na lumikha, pag subok lang satin to para mas maging matatag ang panalangin natin sa kanya, at isa narin itong pag kalampag sa karamihang nahihimbing at nakakalimot sa lumikha, maging aral sa bawat isa satin ang mga nang yayaring sakuna, igalang natin ang kalikasan, upang ganti nitoy ating maiwasan.

Thursday, October 1, 2009

CSJODEMPRISA...abangan nyo!

Bilang magulang we loved our kids diba? we need to support what they really like to be, he!he! kabilang ang anak ko dyan at her age of 5 talagang makikita na ang kanyang gusto, sabi nga nya samin ng papa nya...she want to be a Ms universe someday and... maging Pedia, who knows diba, besides libre ang mangarap, at ito nga were to busy sa nalalapit na mz Prisa sa Oct.03, 2009 that will be on Saturday na.

manalo matalo, ok lang coz...its just to build there self confident, pero its more be better if...manalo sya diba? abangan nyo po, i will post some photos after the Pageant, at taus puso po naming ipinararating ang aming pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta.

Maraming salamat po sa mga sumusunod...

To my hubby who really support us sa kakulitan naming mag ina!

to all the staff of medical data services inc, to ate Cristy Yuson, to our Ninang Nora Salasac in Muzon sn jose bulacan, Ms, Lerming Cataniag of muzon Bulacan, to ate Marita Bautista in San Vecente Bulacan, to my super kulit friend..Leny Buenaventura of Muzon sn jose Bulacan, to ate Espie Nucillado in Muzon also, to all ninangs...Maricel Decena of Cyprus, Imee Maneja, Mariam Bacusa of Riyadh K.S.A, to my brothers...Vanie, Joel and kuya Lito Lorenzo of Riyadh,mga bro thanks sa lahat, sisters... Beth Ape Lorenzo, Jo Cabuang Lorenzo, Ninong Janno Constantino of Muzon, to my Mom sally Lorenzo,Thanks everyone, God Blesss us!!!

Bagyong Ondoy....walang awa!!!

Buksan natin ang ating puso sa lahat ng naapiktuhan ng bagyong Ondoy, nakikita natin sa araw-araw na mga balita ang mga kaawa awang biktima nito, ang mga batang walang makain at may mga sakit, sana kahit sa simpling tulong magawa natin, at wag nating kakalimutan ang manalangin sa puong may kapal.

Kahabag-habag lalo na kung makikita mo sa personal ang kanilang mga kalagayan,sa tagal kong pinag mamasdan ang lahat ng aking dinadaan...diko na malayan tumutulo na ang luha ko, naisip ko totoong mapalad pa ako, nayayakap ko pa ang mag aama ko, kasama ko ang mga mahal ko, pano kaya sila? kompleto pa kaya sila gayong inanod na ng baha ang bahay nila? mga gamit na naka kalat sa labas na wala ng kapakinabangan, mga bahay na wasak, at puno ng malapot na putik.

Kabuhayang pinag hirapang ipundar, mga pangarap na pilit tinupad para sa mga mahal na pamilya....ngayon, sa isang iglap wala na, Pero...taus puso po tayong mag pasalamat sa diyos....kabuhayan lang ang kinuha, wag lang po ang mga mahay nating pamilya, sa tulong po ng bawat isang membro ng pamilya, may awa ang diyos...makakabangon tayong muli!

Sa lahat po ng mga kabayan kong nasalanta at nag hihirap din, wag po tayong mawalan ng pag asa...sabi nga po, nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa, mahirap mag umpisa muli, pero...kaya po natin yan.

Saturday, September 19, 2009

EID MUBARAK!!!



Eid mubarak to all mulimin!!! natapos na rin ang one month fasting for ramadan ng mga kapatiran nating Islam, Sept 19 end of fasting, at ngayon nga po ay ipinagdiriwang na ang eid, ano ba yong tinatawag na eid? yon po yong...New year for Islam.Panahon ng pag papatawad, palitan ng hadiyah or gifts sa mga mahal sa buhay.

malapit lang kame sa Mosque, at kagabe nagtaraweh na sila, and my son asked me na why they praying like that?(masyadong malakas!) dipo ba maririnig din sila ni God kahit pabulong? natawa ako sa kanya, diko alam pinakikinggan din pala nya yon, ( pag basa ng Qu'ran sa mosque) sabi ko sa kanya....Anak, Iman yang naririnig mong malakas ang boses, ( anong Imam ma?) imam, sya yong nangangaral at bumabasa ng mga surah ng malakas para maintindihan ng iba, ah....naintindihan nya na sinabi ko, he!he!

Sakin walang problema, kahit anong relihiyon basta alam mong gumagawa ka ng tama at wala kang naaagrabyado ok lang, dahil sa totoo lang kahit napakaraming relihiyon, iisa lang naman talaga ang diyos amang lumikha, iba-iba lang ang paniniwala di po ba? sagot kayo dyan!

Mayweather Vs Marquez!



September 20,2009 ito na ang matagal na nating hinihintay, ang Juan marquez vs Floyd Mayweather fight live to saGM grand in Las Vegas, it shown nanawawalan na ng pag asa si marquez dahil di nya matamaan si Mayweather ha.

Grabe, lupet talaga nitong si mayweather nasa round 5 na pero di man lang sya natitinag, di sya natatamaan ng mga pakawalang suntok nitong si Marquez, mayweather ako, ikaw pusta ka?

Galing!!! Congratulation Floyd Mayweather! Pacman! Pacquiao!

Sunday, August 30, 2009

Agosto....linggo ng wika......

Magandang araw po sa inyong lahat mga kababayan ko, pasensya na kayo at nahuli ako sa post ko, mangyari po kasing masyado akong naging abala, subalit....naihabol ko rin po, he! he! ibabahagi ko po sa inyo ang mga larawan at maga ginampanan ng mga natatanging mag aaral ng L.G.I

Ito po yong sa sabayang bigkas ng 2nd year_A kasama po dyan ang princess ko at sila po ang nanguna sa patimpalak!
Kinder 2 ang sumayaw ng bulaklakin!

muli, isa pang sabayang bigkas ginanapan naman ng unang pangkat, kilala nyo ba yang nasa gitna????

gumagapang po sya bilang nakikipag labang sundalo!
kita nyo yang may pamaypay, lola ko po he!he! 5 taong gulang nasa unang baitang!

ilalathala ko pa po ang iba sa susunod....maraming salamat po!

Monday, August 17, 2009

Pinoy Sole Survivor season 2!!!

Dumating na naman ang araw na pinaka hihintay natin, ang umpisahan ang pangalawang season ng...Pinoy Sole Survivor Philippines, hinati sa 2 ang grupo bilang Koror sa pamumuno ni ate Carol ...Echo, Louie, Tara,Jstine, Marvin, Charles, Suzuki, at Airai sa pamumuno ni Cris, Maya, Vlad, Jef, Amanda, sa palagay nyo sino ang mag wawagi? ako, malakas ang pakiramdam ko babae.



Kita nyo ba, umpisa pa lang talagang makikita natin na medyo kaiba ang mga game at my kahirapan, lalo na ng buhat buhat na nila itong ki bigat-bigat na box, at....kita ang mga ugali ha, unang araw pa lang talagang marami ng naiirita, he!he! goodluck guys!

nanalo ang Airai, ok guyz bukas nalang ulit, nood ulit tayo!

Cris Bolado
Former PBA Player

Mika Batchelor
Sexy Chef

Shaun Rodriguez
Fitness Buff and a Dad

Maya Segovia
Lady Pilot and a Mom

Amanda Coolley Van Cooll
Female Construction Worker in Alaska USA

Charles Fernandez
Businessman/Raketista

Jef Gaitan
Student and Part-time Model

Troy Perez
The Mentalist

Suzuki Sadatsugu
Japinoy Criminology Student

Echo Caceres
Call Center Agent

Vlad Nesas
Brainy Model

Carol Gementiza
Terror Teacher

Marvin Kiefer
Model Hunk

Tara Jane Masias
English Tutor for Koreans

Louie Ang
Chickboy I.T. Professional

Justine Ferrer
Beauty Queen and Businesswoman

Sunday, August 2, 2009

Happy b-day Kyle Ivan Maneja!!!

Tama na mona ang lakwatsa, mag popost mona ako ng mga picture saming pinuntahan, papakita ko sa inyo ang pamangkin kong may kaarawan, Si Kyle Ivan po ang pangalan.


Ne, ayan yong invitation ni Ivan! sana kahit papano mapawi ang pangungulila nyo sa inyong anak pag nakita nyo ang mga larawang ito, lagi nyong iisipin na para sa kanya ang inyong ginagawa, inihahanda nyo ang magandang kinabukasan nya habang sya ay bata pa.Hwag kayong mag alala, saming nakita talagang mahal na mahal syang lolo at lola nya!
ayan si trish my topak kc....wala nakuha sa pabitin, malalaman nyo kung bakit!!!!

Ang makukulit na dumayo ng Pampanga, trix, Diane, Jensy
Ayan po si Ivan, iniinis ni Trixy kasama si tatay!
pinag kakaguluhan po ang bday boy, tapon dito tapon doon lahat ng mahawakan.
Anak ni Ian, kasama si Nanay Lita, maraming salamat po nay, tay, sa mainit na pag tanggap nyo samin, sana po mkarating rin kayo dito samin, censya napo sa lahat ng mga kakulitan. sana po nay mabuhay ko ang bigay nyong halaman.(yellow bell)
galit talaga ako ninang nene, dinaya po ako sa agawan!
pahinga mona, ne, si eve, negra, anak aiza, shella,Evang, trixs

grupo nila tatay,
ayan, nakita nyo na kung sino ang nag aabang sa penyata???may nakita ba kayong mga bata???he!he!
HAPPY B_DAY Ivan!!!
The b-day boy!!!
ito yong sa dinaanan namin habang papunta kame sa Sta Anna pampanga, bundok arayat po ung nasa likod, katakot ung nasa una diba?momong damo!!!
See the beauty of bundok ARAYAT!!!
Binagtas namin yang tulay na yan na napaka haba, ang ganda!
KUlitan sa car!!! sa baba ang 3 diwata ng kagubatan!

Saturday, August 1, 2009

Paalam....President Cory Aquino!!!



Para po sating lahat, taimtim po tayong manalangin para kay tita Cory na pumanaw napo kaninang 3:18 Saturday ng madaling araw. Nakakalungkot pong isipin na sa loob ng mahigit 1 year nyang pakikipag laban sa kanyang karamdaman ay sumuko na ang kanyang patang katawan, sa edad na 76. Sana wag natin syang maklimutan, lagi nating alalahanin ang mga magagandang bagay na ginawa nyang pakikipag laban para sating bayan.



Mahal naming Cory Aquino!
Sa'yong paglisan,taus pusong pananalangin ang aming gagampanan
Kahit na alam kong sa tunay na paraiso iyong patutunguhan dahil sa busilak mong kalooban at kabutihan Sating inang bayan! akin pong idadalagin, sa puso ng taong bayan....
Pag limot sayo'y di bigyan ng puwang dahil sayong kagitingan!!!

saking sarili mag tanong ay di maiwasan, bakit....kalimitan mabubuting loob ang maagang lumilisan?
kung sino pa ang may naitutulong sa ating bayan, at sating mamamayan!
sana....ikaw ay nag stay nalang, Lord, cancer ng lipunan sana inuna mo nalang, patawad po sa salitang binitiwan, Pagkat....tunay lang pong Cory Aquino, masakit sa dibdib na sya'y lumisan!

Maraming salamat'
Gng.CORY AQUINO!!!








Tuesday, July 28, 2009

Sana....lahat ng may buhay ating ingatan!


Pansin nyo ba na marami satin ang di marunong mag pahalaga at gumalang sa nararamdaman ng ibang tao, walang awa at malasakit sa may mga buhay sa lansangan!
July 25, 2009 9:15 am nakalabas ang pet ng baby ko, isang sasakyan ang mabilis na dumaan at sya,y nasagasaan, ang lakas ng iyak ng batang nakikita nyo sa larawan, pero di man lang huminto ang walang pusong sumagasa kay Mocah, (pet)

Ikaw na driver na walang puso't kaluluwa, tama bang sa isang subdivision ay magpatakbo ka na kala mo ikaw ang may ari ng kalsada? sana naman sa inyong lahat....magkaron naman ng malasakit kahit na isang tuta ang inyong makita sa kalsada, di tulad ng ginawa nya na sinagasaan nalang bigla, ni paumanhin wl.

Sa aking anak akoy naaawa, alam nyo po bang mula ng mapunta sa kanya si Moca, tabi pa sa kama takot na ginawin kapag inilabas nya, dipa kumakain ng husto kaya sa gatas nya,y kasalo pa, at ngayon nga after 3 days na pag hihirap nya, gamot ay dina kinaya, kaninang umaga July 28,2009 sya ay sumuko na!

Pag gising ng baby ko hanap ang alaga, sabi nya....mama, uminom naba ng gamot si Moca? nang sinabi kong patay na, agos ang kanyang luha, humihikbi pa, pinahuhukay sakin si Moca! kahit tuta lang sakit sa dibdib lalo't anak mo ang nakikita mong lumuluha ano po?