This is where I share my cooking recipes and anything to ease the work of mothers around the world... enjoy!
Saturday, March 28, 2009
Pinoy Sole Survivor!
Good day sa inyong lahat, sumali ba kayo sa season 2 audition ng pinoy sole survivor? goodluck sa inyong lahat ha, hindi na ako nakasali this time, kase busy bukas graduation ng baby ko! next time nalang ulit ako sasali,intayin ko nalang ulit ang pag iire, he! he!
Graphic web Designer,
Gud day po sa inyong lahat, kaylangan po namin ng GRAPHIC WEB DESIGNER, urgent po! salary depends to your experience and Porfollio, just post it. Fulltime freelance po with good internet connection.
Sa lahat po ng intresado, GOODLUCK!!!
Sa lahat po ng intresado, GOODLUCK!!!
Tuesday, March 24, 2009
Yesterday dream's lyrics"
Verse 1:
We are the children of yesterday's dream
We are the promise of the future we bring
Waving the banner of love to all
To every nation the rich and the poor
Bridge:
We are the world of the restless and young
And we need a hand to guide us
Helping each other, build each other
As long as we’re together you & me
Chorus:
For together we stand
Divided we fall together
we climb to the top of the world
We can be what we want for thye world to see
That we are the children of yesterday’s dream
Verse 2:
We have the yearning to do what is best
Be someone special from all the rest
Nations and brothers in unity
Building tomorrow for you and for me
(Chorus)
We are the dreams come true
We are the children of yesterday’s dream
We are the children of yesterday's dream
We are the promise of the future we bring
Waving the banner of love to all
To every nation the rich and the poor
Bridge:
We are the world of the restless and young
And we need a hand to guide us
Helping each other, build each other
As long as we’re together you & me
Chorus:
For together we stand
Divided we fall together
we climb to the top of the world
We can be what we want for thye world to see
That we are the children of yesterday’s dream
Verse 2:
We have the yearning to do what is best
Be someone special from all the rest
Nations and brothers in unity
Building tomorrow for you and for me
(Chorus)
We are the dreams come true
We are the children of yesterday’s dream
Labels:
Graduation song,
ofw.food.ect,
Yesterday's dreams
Sunday, March 22, 2009
Paglisan!
Dahil sa global crisis na walang katapusan, walang awang nag papahirap sa maraming
kababayan, Mahal sa buhay nanganganib isakripisyo panandalian, Aking iniisip makatulong saking mahal, habang kaya kopa at bata pa( charing) maihanda magandang kinabukasan ng 3 naming anak na pinakamamahal.Upang pag dating ng panahon, sa kahirapan sila ay may panlaban!
Subalit kapag sa isip sumasagi na sila'y aking iiwan, mata ko'y nahihilam sa mga luhang bumabalong na nag uunahan, naku po! isang taong di sila makakasama at mayayakap...sa dibdib ko'y anong bigat, tila mundo itong aking pasan, na sa buhay ko'y malapit ng mag paalam.
Sa may kapal ako poy inyong tulungan, bigyan ng palatandaan kung...itutuloy itong pangingibang bayan, dahil sa totoo lang pag layo'y pinangangambahan....Pag walang tulong sa taas, baka ako'y....MABUANG!pagkat ngayon palang ay akin nang iniiyakan kapag naisip kong sila ay....iiwan!
Ohh........GOD! parang awa mona, panaluhin mo ako sa LOTTO, ano ba kayo lagi ko pong dinadasal sayo yan ah! sige napo, promized...maya tataya na ako! he! he!( kita nyo, iba na utak ko diba????)
Saturday, March 21, 2009
Kwentong pag ibig part 3"
Magandang umaga po sa inyong lahat! Salamat po sa pag subaybay!
Mabilis lumipas ang mga araw, at laging tumatawag si Harry kay Rysa, talagang nakukulitan na ang central sa kanya, kaya dumatig ang araw na ayaw ng ipasa sa ext. # ni Rysa ang tawag nya, eh...pano ba naman sa isang araw di lang 5 times silang mag usap, hinahanap na rin ni Rysa ang mga tawag ni Harry, nakasanayan nya na kase ito at minahal nya na rin ito sa kabila ng dipa sila nag kikita at sobrang kulit nito, dipa kase uso ang cellphone noon kaya wala syang magawa pag di nya makausap si Kulit!(Harry)
Sandstorm ngayon, halos diko makita ang paligid, malngkot, tatlong araw konang di nakaka-usap ang mahal ko! (ang kulit kase kaya naklitan na ang central operator namin!) Anak, tawag ni nanay puring, halika samahan mo ako sa BATHA, (ito yong place ng mga pinoy dito sa riyadh) mamimili tayo ng mga gamit ko sa pananahi.Nalibang na rin si Rysa, nakalimutan nya sandali ang pag alala sa mahal nya, gabi na ng umuwe sila.
Pag pasok palang nya ng kwarto nya tumutunog na ang extension phone nya, hillo! boses babae, yes....sino po sila? san kaba galing! kanina pako tumatawag sayo, ang lakas ng sandstorm sa labas pilit akong pumupunta sa phone both para makausap ka, miss na miss na kita! ( si harry ang nasa kabilang linya nag boses babae pra maka pasok ang tawag nya) masayang masaya silang nag usap, kung alam lang ni Harry na ganon din ang nararamdamang pag ka mis ni rysa sa kanya.
Ganon na nga, nahulog ang loob nila sa isat-isa ng di tulad ng sa iba na....talagang pinag uusapang sila na talaga, mutual understanding ika nga, minsan biglang nagutom si rysa, kaya inaya nya ang isa sa mga kaibigan at kasamahan nya, tumakas sila ng palasyo, kasabwat ang Driver ng Prince na inis na inis sya, dali-dali nyang pinuntahan ang ate jabeh nya, te, bilisan mo labas tayo, punta tayo sa wendy's, halos walking distance lang pala ito mula sa palasyong pinag tatrabahuhan natin, dito nag tatrabaho siHarry. kinakabahan ako wika ni rysa, di rin kase nya alam kung sino si harry doon, mas una pa nga nyang nakilala at naging kaibigan si Ronald,(pro si ronald di rin nakikita si rysa, nakita lang ni rysa ang name tag nya) ang dahilan kung bakit sila nag kakilala ni harry sa phone, si Ronald kase ang friend ni harry na laging tumatawag sa ext. ni rysa.
Pag pasok ng fastfood store, umorder agad si Rysa, wala si harry iba ang nasa counter (si ronald ang nasa counter) mga 26 years old na ito, si rysa ay 20 na noon) yes mam! inorder nya agad ang favorite nyang prostie, kumuha din sya ng seasor salad, fries, burger. excuse me mam, putol ni ronald sa pag order nya! yes, ahhh....may friend po kase ako, ka boses nyo at mag ka tulad kayong may po kung makipag usap, kayo po ba si....Rysa? itinangi ni rysa na sya yon, pro...nang iabot na ni ronald ang order nya nagulat sya. Rysa! tawag ng kaibigan nilang driver, sabi kona eh, ikaw si rysa! hindi na umimik si rysa( saudi to, bawal!)
Habang pauwe, tawa ng tawa si jabeh sa pag kakabuking sa kaibigan nya! bunso....bakit kase dimo sinabe sa kaibigan mong ikaw nga yon? ayoko nga, maya sabihin pa non kay gary na ako yon!he!he! eh...gusto ko ako ang unang makaka kita sa kanya! pag dating nila sa kwarto, habang kumakain sila, kinu-kwento ni rysa sa nanay puring nya ang nangyari sa store, tumawa ang nanay puring nya, por...pinagalitan sila sa pag takas nilang yon. dipa sila nakakatapos sa pag kain, nag ring ang phone, sinagot ni nanay, ipinasa sakin.
Hello.......mahal muzta? sabi sa kabilang linya! kilig ang mga kasamahan ko, naka speaker pala kaya off ko ito. masaya kaming mag kausap,mahal....galing daw kayo sa store? ang daya mo dika nag pakita sakin, off ko pa naman ngayon! ha...hindi ako yon ah! sinong nag sabi? si Ronald, maputi ka daw, mahaba ang buhok tuwid, maganda, bata pa! diko yon, kabaliktaran ako non diba? oo nga, kase alam ko talaga walang batang nakaka- pag abroad, pag sang ayon ni Harry kay Rysa. tuwang- tuwa si rysa, alam nyang di sya makikilala ni gary sakaling mag punta sya ulit sa store, pero ang lakas ng kaba nya pag katapos ng usapang yon, gusto kase ng mahal nya mag meet na sila.
Makaraan ang isang linggo, nag kayayaan ulit ang mag kaibigang Rysa at Jabeh sa Wendy's para sa kanilang prostie, pag pasok palang ng pinto nanlalamig na si rysa, lalo na ng makita nyang naka-tingin sa kanya ang halos lahat ng staff, kasama na don ang manager ng store, Bakit kaya? isip ko! tuloy pa rin ako sa pag pasok, baka...ganon lang sila ngayon, hawak ako sa kamay ni ate jabeh, ate bakit kaya sila naka tingen sakin? kibit balikat lang si ate Jabeh, pag lapit ko sa salad section, nagulat talaga ako kase sa pag kaka-tungo ko, mababangga kona pala ang isang staff, God...name tag nya Harry!!! nanlalamig ako sa nervious, palapit talaga sya sakin!
Oooyyy!!! tukso ng mga kasamahan nya, grabe! kung kaya ko lang lumubog sa kinatatayuan ko ginawa kona dahil sa sobrang hiya! diko alam gagawin ko, lalo na ng makalapit na talaga saken si gary, hinawakan ako sa kamay at nag pakilala, pinilit kong maging normal ang nararamdaman kong kaba, mag kasama kaming umiikot sa salad section, kunwari ganon lang para di kame mahuli ng" MUTAWAH" pag katapos kung makuha order ko, nag mamadali nakaming lumabas, hinatid pa nya ako sa pinto. may iniabot sya saking isang small paper brown bag.
Habang papauwe nangingite ako sa nangyari, iniisip ko sya gang makauwe kame, pag dating sa room ko, grabe! tawanan ang mga kasamahan ko, natawa na rin ako ng makita ko ang mga order ko, ano ba ito! sa sobrang nervious...na order ko ang diko naman kinakain, huh! dalhin nyo nalang yan, sabi ko sa mga kasamahan ko, tawanan sila, pag alis nila tiningnan ko yong inabot nya saking papaer bag, may mga picture sya, sulat at isang voice tape! habang nag papa antok pinakikinggan ko yong voice tape nya, at naiisip ko yong itsura nya kanina nong makita ko sya.
Sa totoo lang, medyo....nadismaya nga ako sa itsura nya, lam nyo ba...payatin sya, matanda lang ng tatlong taon sakin, kulang ng 2 ipin sa harap, he!he! pro cute naman sya, wala naman sa itsura yon talaga, kahit ano nman pag mahal mo diba? kaya lang pangarap ko talaga yong mas matanda sakin ng 5 to 1o years, iwan ko kung bakit! kahit sya sabi nya sakin.....
Hindi raw sya makapaniwala na ganon yong itsura ko, akala raw kase nya ako ay isang matanda na, ganon daw kase ang sabi ni ronald (eh...pano, nong time na makita ako ni ronald, siniraan sya sakin he!he!) tsaka...pano ako nakalusot sa D.F.A. ng ganong edad lang, simle lang pinatanda ako ng 13 years para maka alis.
Mabilis talaga lumipas ang mga araw, masaya kame lagi kahit sa phone lang kami lagi magka usap, nakaka lungkot, kase mauuna syang umuwe sakin, usapan kase namin...sabay din kaming uuwe, kaso...pupunta pa kame ng London ni Princess for two months so...nauna na sya sa pinas! malabo rin kung san kame mag kikita, kase tulad ko di rin nya alam kung san ang uuwian nya. pag balik nmin ng Riyadh, ayos na papers ko in 3 days pauwe nako, tamang-tama tumawag ang mahal ko, sya ang susundo sakin. pag lapag ng sinasakyan naming eroplano...nagmamadali akong pumila para makalabas na agad, inabot ako ng gabi, wala ang sundo ko.
Kahit takot ako, nakisabay ako sa taksi, hinanap ko ang add ng mama ko, halos umaga na ng makita ko ang tirahan nila, ang higpit ng yakap ni mama sakin miiyak sya, kase nong maaaga pa, may pumunta raw dong naghahanap sakin, si harry. kinabukasang maaga nagisnan kona sya, masaya ako syempre, akala ko dina kame mag kikita. araw-araw nasamin sya, may dala syang bag, kulang nalang dalhin nya samin ang mga gamit nya, pag alis nya ako naman ang pinag papa alam nya para isama sa kanila, pinakilala nyako sa familya nya na kame na kahit nong nasa saudi pa ako, dina ako tumutol don dahil...love kona nga sya.
Dahil nga di sila mapag hiwalay, dala ng kapusukan may nang yari sa kanila bago sila mag kahiwalay muli.
Minsan kina usap si Rysa ng mama nya, anak yan bang si harry ay seryoso? napa isip din ako, pro diko dinibdib yon, basta ang alam ko masaya ako pag mag kasama kami. marami kaming mga pangarap sa buhay na gustong marating. kaya kinailangan pang umalis silang muli ng bansa, sa pag kakataong ito, mag kahiwalay na sila, si rysa bumalik sa palasyo at si Harry ay sa Jeddah, habang...
Wednesday, March 18, 2009
Kwentong pag-ibig,pagpapatuloy "Part 2"
Magandang araw po sa inyong lahat, nabitin po ba kayo? he! he! censya na, medyo natagalan pag papatuloy ko. Ito na...ipagpapatuloy kona po!!
Ryza....(tagalog nalang po, mahirap mag arabic, he!he!) at ako nga talaga ang tinatawag nya! bakit Prince? Please, kuha mo ako ng tea! ha? asan ang nani mo? bilin ni princess, wag kong gawin ang di sakop ng trabaho ko! (pro nakiusap ang prince na sing edad nya lang)sumunod si Ryza, ngunit ng iabot nya ang tea na hiningi sa kanya ng prince...nasulyapan nyang itinapon nito sa carpet at muli syang tinawag.
oohh! im sorry, please rysa...dried it for me! at...kahit inis na inis si rysa sa prince, sumunod ito. Subalit laking gulat nya ng biglang i lock nito ang pinto, sa laking takot ni ryza tumakbo ito sa toilet at isinara ang pinto.Mabute nalang at may mga intercon ang bawat toilet dito. agad syang humingi ng tulong sa nanay puring nya. Ano bang nangyari sa iyong bata ka? tanong ng nanay- nanayan nya, wala po...tinakot nanaman ako ng itik na yan! yon ang tawag nya sa malukong prince.
Nasa kwarto ako non, nag papahinga ng biglang nag ring ang ext.phone, hillo! yes...may hinahanap ang nasa kabilang linya, ganon ng ganon lagi, mainis man sya wala syang magawa dahil sa kanya talaga dadaan ang lahat ng tawag. Hanggang minsan...ako a yong hinahanap ng tumatawag, kaibigan ito nong unang tumawag, si...Harry daw sya! grabe ang kulit nya talaga, ang presko!
Isang gabe...Mahal, love, musta? sabi sa kabilang linya, huh! presko!( click) nextym po ulit! happy reading po! salamat sa inyong lahat!
Friday, March 6, 2009
Francis magalona dead
Ang buhay ng tao talagang dimo alam kung hanggang saan, ating matatandaan, kaylan lang laman ng mga balita sa Tv ang karamdaman ng pilipino master raper na si francis Magalona. marami tayong nag darasal sa maagang kagalingan nya.
Kamakailan din, sa Eat Bulaga sinabi ng mga cast na ok na sya, naging masaya tayo sa balitang yon,at marami ang umasa na babalik na sya sa eat Bulaga.
Sa araw na ito, bumbang sumabog sating lahat ang balitang....PATAY NA SYa! nakakalungkot na dina natin sya makikita. Sumalangit nawa ang kaluluwa nya.
Thursday, March 5, 2009
Kwentong Pag ibig "part-1
Talagang minsan dimo alam kung sino ang nakalaan sayo para makasama habang buhay.Taong 1992 ng umalis ng pilipinas si Rysa, patungong saudi Arabia, baon nya ang mga pangarap sa buhay, Kahit puno ng pangamba di iyon naka-pigil sa kanya, lalo na ng marating nya ang final distination nya, ang Riyadh Palace. Nakita nya agad don ang isang taong nag magandang loob na tumulong sa kanya para makating doon, si ate Mary, sya ang nag hired kay Rysa para mag trabaho sa palasyo, niyakap nya ito at nag pasalamat.
Manghang- mangha sya sa laki at ganda nito, napakaraming mga pilipina na naka-suot ng parang uniform ng mga stewardes kanila sa eroplanong sinakyan nya, marami ring ibat-ibang lahi syang nakita. Maganda pala dito, di tulad ng sabi ng iba matatakot ka,iba talaga pag my nag hired sayong kaibigan, pag dating mo dika pa mag duty agad, may pahinga kapa .
Sa paglipas ng mga araw, buwan at taon, masaya si Rysa sa trabaho nya bilang...isa sa mga waitress ng palasyo, mas marami pa kase ang pahinga kaysa sa may trabaho. Kaya kahit nag ta trabaho sya nakapag aral sya by mail sa ICS bilang H.R.M.
Sa mga araw na walang party sa palasyo, sumasama sya sa mananahi ng palasyo sa Souk' pamilihan ng mga gamit sa pananahi. laging pinag lalaruan ni ate Emily ang kanyang mahabang buhok,kaya kahit simpling araw ay laging naka ayos. Si ate Emily ay ang beautician ng palasyo, mababait talaga ang mga pinay dito.
Lalo na si nanay puring na mananahi ng palasyo,at si Nanay Vicky na turing sa kanya ay anak. Lahat ng mga kasamahan nya ay bunso ang turing sa kanya kase sya ang pinaka-bata sa lahat, eh...pano kabang narating ditong bata ka eh...ang bata mo pa? tanong sa kanya nio nanay puring, ah...agency napo ang nag ayos ng papers ko, gusto kona po kase makatulong sa mama at mga kapatid ko.
Rysa, Rysa, ang gumising sa kanya isang umaga, laking gulat nya ng makita nyang ang tinig na yon ay mula sa isa sa mga Prince sa palasyo na sa una pa mang dating nya ay iniinis na sya nito, at may taglay ding kalukuhan,Huh! bakit kaya ako tinatawag nito, inis na bulong ni Rysa sa sarili,
oooopppss!!!cut mona, he!he!
Manghang- mangha sya sa laki at ganda nito, napakaraming mga pilipina na naka-suot ng parang uniform ng mga stewardes kanila sa eroplanong sinakyan nya, marami ring ibat-ibang lahi syang nakita. Maganda pala dito, di tulad ng sabi ng iba matatakot ka,iba talaga pag my nag hired sayong kaibigan, pag dating mo dika pa mag duty agad, may pahinga kapa .
Sa paglipas ng mga araw, buwan at taon, masaya si Rysa sa trabaho nya bilang...isa sa mga waitress ng palasyo, mas marami pa kase ang pahinga kaysa sa may trabaho. Kaya kahit nag ta trabaho sya nakapag aral sya by mail sa ICS bilang H.R.M.
Sa mga araw na walang party sa palasyo, sumasama sya sa mananahi ng palasyo sa Souk' pamilihan ng mga gamit sa pananahi. laging pinag lalaruan ni ate Emily ang kanyang mahabang buhok,kaya kahit simpling araw ay laging naka ayos. Si ate Emily ay ang beautician ng palasyo, mababait talaga ang mga pinay dito.
Lalo na si nanay puring na mananahi ng palasyo,at si Nanay Vicky na turing sa kanya ay anak. Lahat ng mga kasamahan nya ay bunso ang turing sa kanya kase sya ang pinaka-bata sa lahat, eh...pano kabang narating ditong bata ka eh...ang bata mo pa? tanong sa kanya nio nanay puring, ah...agency napo ang nag ayos ng papers ko, gusto kona po kase makatulong sa mama at mga kapatid ko.
Rysa, Rysa, ang gumising sa kanya isang umaga, laking gulat nya ng makita nyang ang tinig na yon ay mula sa isa sa mga Prince sa palasyo na sa una pa mang dating nya ay iniinis na sya nito, at may taglay ding kalukuhan,Huh! bakit kaya ako tinatawag nito, inis na bulong ni Rysa sa sarili,
oooopppss!!!cut mona, he!he!
Thank you!
I just want to say thank you to every one, Especially from United States, United Arab Emirates, Japan, Finland, Iran, Saudi Arabia,France,to my origin, Philippines, all over the world.
Really I'm so happy when i fined out that there's a lot of people checking my web site! Thank you, Thank you, guys!
Labels:
france,
japan,
love letter,
ofw.food.etc,
Simphathy,
thank you,
thank you friends,
united states
Subscribe to:
Posts (Atom)