This is where I share my cooking recipes and anything to ease the work of mothers around the world... enjoy!
Saturday, March 21, 2009
Kwentong pag ibig part 3"
Magandang umaga po sa inyong lahat! Salamat po sa pag subaybay!
Mabilis lumipas ang mga araw, at laging tumatawag si Harry kay Rysa, talagang nakukulitan na ang central sa kanya, kaya dumatig ang araw na ayaw ng ipasa sa ext. # ni Rysa ang tawag nya, eh...pano ba naman sa isang araw di lang 5 times silang mag usap, hinahanap na rin ni Rysa ang mga tawag ni Harry, nakasanayan nya na kase ito at minahal nya na rin ito sa kabila ng dipa sila nag kikita at sobrang kulit nito, dipa kase uso ang cellphone noon kaya wala syang magawa pag di nya makausap si Kulit!(Harry)
Sandstorm ngayon, halos diko makita ang paligid, malngkot, tatlong araw konang di nakaka-usap ang mahal ko! (ang kulit kase kaya naklitan na ang central operator namin!) Anak, tawag ni nanay puring, halika samahan mo ako sa BATHA, (ito yong place ng mga pinoy dito sa riyadh) mamimili tayo ng mga gamit ko sa pananahi.Nalibang na rin si Rysa, nakalimutan nya sandali ang pag alala sa mahal nya, gabi na ng umuwe sila.
Pag pasok palang nya ng kwarto nya tumutunog na ang extension phone nya, hillo! boses babae, yes....sino po sila? san kaba galing! kanina pako tumatawag sayo, ang lakas ng sandstorm sa labas pilit akong pumupunta sa phone both para makausap ka, miss na miss na kita! ( si harry ang nasa kabilang linya nag boses babae pra maka pasok ang tawag nya) masayang masaya silang nag usap, kung alam lang ni Harry na ganon din ang nararamdamang pag ka mis ni rysa sa kanya.
Ganon na nga, nahulog ang loob nila sa isat-isa ng di tulad ng sa iba na....talagang pinag uusapang sila na talaga, mutual understanding ika nga, minsan biglang nagutom si rysa, kaya inaya nya ang isa sa mga kaibigan at kasamahan nya, tumakas sila ng palasyo, kasabwat ang Driver ng Prince na inis na inis sya, dali-dali nyang pinuntahan ang ate jabeh nya, te, bilisan mo labas tayo, punta tayo sa wendy's, halos walking distance lang pala ito mula sa palasyong pinag tatrabahuhan natin, dito nag tatrabaho siHarry. kinakabahan ako wika ni rysa, di rin kase nya alam kung sino si harry doon, mas una pa nga nyang nakilala at naging kaibigan si Ronald,(pro si ronald di rin nakikita si rysa, nakita lang ni rysa ang name tag nya) ang dahilan kung bakit sila nag kakilala ni harry sa phone, si Ronald kase ang friend ni harry na laging tumatawag sa ext. ni rysa.
Pag pasok ng fastfood store, umorder agad si Rysa, wala si harry iba ang nasa counter (si ronald ang nasa counter) mga 26 years old na ito, si rysa ay 20 na noon) yes mam! inorder nya agad ang favorite nyang prostie, kumuha din sya ng seasor salad, fries, burger. excuse me mam, putol ni ronald sa pag order nya! yes, ahhh....may friend po kase ako, ka boses nyo at mag ka tulad kayong may po kung makipag usap, kayo po ba si....Rysa? itinangi ni rysa na sya yon, pro...nang iabot na ni ronald ang order nya nagulat sya. Rysa! tawag ng kaibigan nilang driver, sabi kona eh, ikaw si rysa! hindi na umimik si rysa( saudi to, bawal!)
Habang pauwe, tawa ng tawa si jabeh sa pag kakabuking sa kaibigan nya! bunso....bakit kase dimo sinabe sa kaibigan mong ikaw nga yon? ayoko nga, maya sabihin pa non kay gary na ako yon!he!he! eh...gusto ko ako ang unang makaka kita sa kanya! pag dating nila sa kwarto, habang kumakain sila, kinu-kwento ni rysa sa nanay puring nya ang nangyari sa store, tumawa ang nanay puring nya, por...pinagalitan sila sa pag takas nilang yon. dipa sila nakakatapos sa pag kain, nag ring ang phone, sinagot ni nanay, ipinasa sakin.
Hello.......mahal muzta? sabi sa kabilang linya! kilig ang mga kasamahan ko, naka speaker pala kaya off ko ito. masaya kaming mag kausap,mahal....galing daw kayo sa store? ang daya mo dika nag pakita sakin, off ko pa naman ngayon! ha...hindi ako yon ah! sinong nag sabi? si Ronald, maputi ka daw, mahaba ang buhok tuwid, maganda, bata pa! diko yon, kabaliktaran ako non diba? oo nga, kase alam ko talaga walang batang nakaka- pag abroad, pag sang ayon ni Harry kay Rysa. tuwang- tuwa si rysa, alam nyang di sya makikilala ni gary sakaling mag punta sya ulit sa store, pero ang lakas ng kaba nya pag katapos ng usapang yon, gusto kase ng mahal nya mag meet na sila.
Makaraan ang isang linggo, nag kayayaan ulit ang mag kaibigang Rysa at Jabeh sa Wendy's para sa kanilang prostie, pag pasok palang ng pinto nanlalamig na si rysa, lalo na ng makita nyang naka-tingin sa kanya ang halos lahat ng staff, kasama na don ang manager ng store, Bakit kaya? isip ko! tuloy pa rin ako sa pag pasok, baka...ganon lang sila ngayon, hawak ako sa kamay ni ate jabeh, ate bakit kaya sila naka tingen sakin? kibit balikat lang si ate Jabeh, pag lapit ko sa salad section, nagulat talaga ako kase sa pag kaka-tungo ko, mababangga kona pala ang isang staff, God...name tag nya Harry!!! nanlalamig ako sa nervious, palapit talaga sya sakin!
Oooyyy!!! tukso ng mga kasamahan nya, grabe! kung kaya ko lang lumubog sa kinatatayuan ko ginawa kona dahil sa sobrang hiya! diko alam gagawin ko, lalo na ng makalapit na talaga saken si gary, hinawakan ako sa kamay at nag pakilala, pinilit kong maging normal ang nararamdaman kong kaba, mag kasama kaming umiikot sa salad section, kunwari ganon lang para di kame mahuli ng" MUTAWAH" pag katapos kung makuha order ko, nag mamadali nakaming lumabas, hinatid pa nya ako sa pinto. may iniabot sya saking isang small paper brown bag.
Habang papauwe nangingite ako sa nangyari, iniisip ko sya gang makauwe kame, pag dating sa room ko, grabe! tawanan ang mga kasamahan ko, natawa na rin ako ng makita ko ang mga order ko, ano ba ito! sa sobrang nervious...na order ko ang diko naman kinakain, huh! dalhin nyo nalang yan, sabi ko sa mga kasamahan ko, tawanan sila, pag alis nila tiningnan ko yong inabot nya saking papaer bag, may mga picture sya, sulat at isang voice tape! habang nag papa antok pinakikinggan ko yong voice tape nya, at naiisip ko yong itsura nya kanina nong makita ko sya.
Sa totoo lang, medyo....nadismaya nga ako sa itsura nya, lam nyo ba...payatin sya, matanda lang ng tatlong taon sakin, kulang ng 2 ipin sa harap, he!he! pro cute naman sya, wala naman sa itsura yon talaga, kahit ano nman pag mahal mo diba? kaya lang pangarap ko talaga yong mas matanda sakin ng 5 to 1o years, iwan ko kung bakit! kahit sya sabi nya sakin.....
Hindi raw sya makapaniwala na ganon yong itsura ko, akala raw kase nya ako ay isang matanda na, ganon daw kase ang sabi ni ronald (eh...pano, nong time na makita ako ni ronald, siniraan sya sakin he!he!) tsaka...pano ako nakalusot sa D.F.A. ng ganong edad lang, simle lang pinatanda ako ng 13 years para maka alis.
Mabilis talaga lumipas ang mga araw, masaya kame lagi kahit sa phone lang kami lagi magka usap, nakaka lungkot, kase mauuna syang umuwe sakin, usapan kase namin...sabay din kaming uuwe, kaso...pupunta pa kame ng London ni Princess for two months so...nauna na sya sa pinas! malabo rin kung san kame mag kikita, kase tulad ko di rin nya alam kung san ang uuwian nya. pag balik nmin ng Riyadh, ayos na papers ko in 3 days pauwe nako, tamang-tama tumawag ang mahal ko, sya ang susundo sakin. pag lapag ng sinasakyan naming eroplano...nagmamadali akong pumila para makalabas na agad, inabot ako ng gabi, wala ang sundo ko.
Kahit takot ako, nakisabay ako sa taksi, hinanap ko ang add ng mama ko, halos umaga na ng makita ko ang tirahan nila, ang higpit ng yakap ni mama sakin miiyak sya, kase nong maaaga pa, may pumunta raw dong naghahanap sakin, si harry. kinabukasang maaga nagisnan kona sya, masaya ako syempre, akala ko dina kame mag kikita. araw-araw nasamin sya, may dala syang bag, kulang nalang dalhin nya samin ang mga gamit nya, pag alis nya ako naman ang pinag papa alam nya para isama sa kanila, pinakilala nyako sa familya nya na kame na kahit nong nasa saudi pa ako, dina ako tumutol don dahil...love kona nga sya.
Dahil nga di sila mapag hiwalay, dala ng kapusukan may nang yari sa kanila bago sila mag kahiwalay muli.
Minsan kina usap si Rysa ng mama nya, anak yan bang si harry ay seryoso? napa isip din ako, pro diko dinibdib yon, basta ang alam ko masaya ako pag mag kasama kami. marami kaming mga pangarap sa buhay na gustong marating. kaya kinailangan pang umalis silang muli ng bansa, sa pag kakataong ito, mag kahiwalay na sila, si rysa bumalik sa palasyo at si Harry ay sa Jeddah, habang...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment