Sa isang masukal mna gubat sa labas ng Reynong Albanya ay makikitang may nakagapos sa isang puno higera, siya ay ang taging anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca na si Florante.
Sa kalagayang iyon ni Florante ay naalala niya ang kanyang kasintahang si Laura. Pagdurusa at kalungkutan ang tanging nadarama ni Florante bukod pa rito ay ang kaanyuan ng gubat na may naggalang mababangis na hayop at nakakalunos na huni ng ibon.
Isang araw napadpad doon si Aladin, ang prinsiping Moro na masama ang loob sa amang si Sultan Ali-Adab na umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Aladin ang panaghoy ni Florante hanggang makita niya ito na sasakmalin na ng dalawang leon.
Tinulungan niya ang binata.
Nagsalaysay si Florante sa Moro ng tungkol sa kanyang kabataan. Ang pinanggalingan niyang Albanya at ang muntik nang pagdagit sa kanya ng buwitre na natudla ng pinsan niyang si Menalipo. Binanggit din niya ang pagiging magkamag -aral nila ni Adolfo sa Atenas. Ang hindi nito pagturing kay Adolfo bilang kaibigan hanggang matuklasan niyang may balak itong patayin siya na nasagap sa isang dulang itinanghal sa kanilang paaralan. Nailigtas siya ni Menandro, pamangkin ng guro niyang si Atenor.
Nagsalaysay din si Aladin tungkol sa kalagayan niya. Inagaw ng kanyang ama ang kasintahang si Flerida kaya't iniwan ni Aladin ang hukbo ng Albanya. Nang malaman ni Floranteng umurong sa labanan si Aladin, Inisip ng ama na iyon ay pagiging makasarili ni Aladin kayat inutusan na puguan ng ulo. Sa halip ay ipinatapon si Aladin sa ibang lupain at hindi na maaaring bumalik sa Persya.
Maya-maya ay may narinig silang nag-uusap. Nilapitan nila ang mga ito at nakilalang sina Laura at Flerida ang mga iyon. Nalaman ni Aladin na nakatakas si Flerida kay Sultan Ali-Adab dahil nagpanggap itong gerero hanggang makarating sa gubat.
Nagkamali si Florante sa pag-akalang nagtaksil sa kanya si Laura. Natuklasan niya na siya ang mahal ng dalaga. dahil hindi matanggap ni Laura ang pag-ibig ni Adolfo, naisipan ng huli na dungisan ang puri ng dalaga. Nakita ito ni Flerida. Pinana ng babae si Adolfo at ito'y namatay. Dumating si Menandro sa gubat na hinahanap si Adolfo na noon ay patay na. Masaya silang bumalik sa Albanya.
Ikinasal sina Florante at Laura na naging hari at reyna samantalang si Aladin at Flerida ay bininyagan sa kristiyanismo at ikinasal din.
Bumalik at namuno sa Persya ang dalawa.
No comments:
Post a Comment