Thursday, June 11, 2009

Francisco Balagtas Baltazar!




Isinilang si Francisco balagtas noong Abril 2,1788 sa Panginay Bigaa Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Balagtas at Juana dela Cruz. Ang kanyang mga kapatid ay sina Felipe, Concha at Nicolasa.

Ang ama ni kiko ay isang panday at ang ina naman niya ay isang pangkaraniwang may bahay. Kahit na nabibilang sa maralitang angkan, nakapag aral siya sa kumbento. Dito ay natutunan niyang bumasa ng kartilya, katon, misteryo at trisaliyo.

mahilig siyang makinig sa usap-usapan ng matatanda sa pandayan ng kanyang ama at sa halip na maglaro, pinakikinggan niya ang tungkol sa mga suliraning umiiral noon lalo na ang pamamalabis ng mga makapangyarihang Kastila.

sang araw ay napagpasyahan niyang magtungo ng maynila atmakapag-aral sa kabila ng pagtutol ng mga magulang sa mga gastusin dito. Sinabi ni Kiko na siya ay mamamasukan bilang katulong.

Natanggap siyang katulong sa mag -anak na Trinidad sa Tondo, Maynila. Kapalit ng pamamasukan niya ay ang pag aaral sa Colegio de San Jose na nasa pamamahala ng mga Heswita.

Noong 1812 ay natapos niya ang Canones. Nag-aral din siya ng Gramatika, Geograpiya, Fisika at Doktrina Cristiana. nag-aral din siya ng Filosopiya, Teologgya at Humanidades sa Colegio de San de Letran sa pamamahala ni Padre Mariano Pilapil.

Noong wala pa siyang kasanayan sa pag sulat ng tula, lumapit siya kay Joseng Sisiw upang ipaayos ang likha niyang tula ngunit hindi ito inayos dahil wala siyang maibigay na sisiw. Dahil dito, pinagsumikapan niyang makalikha ng mga tulang hindi na kailangang ipaayos sa iba. Ito ang naging simula ng pagiging tanyag niya sa mga kadalagahan at sa mga pagtitipon.

Nang lumipat siya sa Pandacan noong 1835 ay nakilala niya si maria Asuncion Rivera. Sa isang pagtitipon ay hinandugan niya ang dalaga ng tula samantalang ang dalaga ay umawit at tumugtog ng alpa. nagkamabutihan sila ngunit may mayamang manliligaw ang dalaga. Siya ay si Mariano kapule.

Sa pamamagitan ng impluwensya ni Kapule, pinaratangan si Balagtas na gawa-gawa lamang ng mga inupahang mga saksi ang paratang sa kanya. Nabilanggo si Balagtas samantalang ikinasal si Maria Asuncion kay Mariano Kapule.
Hanggang sa bilanguan ay hindi pa rin nagmaliw ang pag ibig ng makata kay Maria Asuncion Rivera na binansagan ni Francisco na Selya. Sa kabila nito mahal pa rin ni Selya si Kiko.

Naging inspirasyon niya ang kasintahan kaya;t sa bilanguan ay nilikha niya ang walang kamatayang Florante at Laura. Noong 1838, nang siya;y makalaya, ipinalimbag niya ang aklat.

Tumuloy si Kiko sa Udyong, Bataan at naging katulong sa tanggapan ng hukumang payapa. Nagkaroon siya ng mataas na tungkulin sa Bataan. Siya ay naging tinyente mayor at Hukom Pansakahan.

Pagsapit sa edad na 54, nakilala niya si Juana Tiambeng. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ng dalaga dahil sa kalagayan sa buhay, ipinakasal na rin ito kay Kiko noong Hulyo 1842. Binigyan sila ng 11anak. Taong 1849, pinalitan ang Balagtas ng Baltazar ayon sa utos ng Gobernador Heneral Narciso Claveria.

Hindi pa rin natapos ang dagok sa buhay nio Kiko, siya ay nabilanggo ng anim na buwan sa Balanga, Bataan hanggang sa piitan sa Maynila. Pinaratangan siya na pumutol ng buhok ng isang utusan ni Alferes Lucas. Nasaid ang salapi nila sa pagugol dito.

Noong 1860 siya ay nakalaya. Naghirap ang kanilang pamilya kaya't siya'y nagpatuloy sa pagsusulat at pamamahala sa mga dulang moro-moro. Namatay siya noong Pebrero 20,1862 sa Udyong, Bataan.

ang Talambuhay pong ito ay hango sa Florante at Laura.

No comments: