Matagal konang tinatanong sa sarili ko ang bagay na ito, bakit po ba kung alin pa yong talagang hirap na hirap sa buhay ay sya pang napakaraming anak? Hindi po ba dapat isa ay tama na muna! upang makayanang ibigay ang pang araw-araw nyang panganga ilangan, lalo napo ang pag kain.
Bilang magulang, pano po naten maatim makita ang lima, anim, o higit pang anak na di kumakain ng sapat sa araw araw? Nakakalungkot pong isipin at makita na…napakarami napong mga batang lansangan, sa murang katawan at isipan kaylangan na nilang matutong mag banat ng buto upang mabuhay. Maging marungis at mag palimos sa lansangan! Ang karamihay…nag aadik at kapit sa patalim na lamang.
Mga magulang na walang alam kondi mag parami ng anak at pag daka’y pababayaan, walang awa sa mga anak na isinilang, mga batang nagiging malabo ang kinabukasan dahil sa kapabayaan ng mga magulang. Sana po maisip ninyong ibigay ang karapatang mabuhay ng maayos ang inyong mga anak, mapag aral at makatapos, upang pag dating ng panahon…mabuhay din nila ng ayos ang kanilang magiging anak.