Wednesday, April 29, 2009

....Nakaranas kana ba ng paulit-ulit na panaginip?

May karanasan akong ibabahagi sa inyo, tungkol ito sa panaginip kong poaulit-ulit, maniniwala kaba o hindi? Nakaranas kana ng ganito?

Natatandaan ko 14 years old palang ako ng mag umpisa ang ganong panaginip, hindi ko pinag uukulan ng pansin ang lahat ng yon, basta ang pinag tataka ko ay bakit paulit ang ganong panaginip. Ganito yon....mag lalakad ako ng mag lalakad, tapos...paulit ulit akong tatawid sa dalawang puno ng niyog na naka tumba, tapos...lakad nanaman sa napaka kitid na daan, sa gilid ng mga burol! pakitid- ng pakitid ang daang yon, hanggang susuot ako sa isang butas na kasya lang ang aking katawan.

Alam nyo ba, pag akyat ko sa butas na yon...makikita ko ang napaka-raming tao naka suot ng kulay puti, nakaupo lang sila sa napaka lawak nabundok na yon.Wala akong takot na nararamdaman sa panaginip kong ito. hanggang diko akalain taong 2002 naka pag hajj ako, at sa maniwala kayo...ang panaginip ko nong bata pa ako ay nahinto na, dahil ang lahat ng yon ay nakita ko at naranasan sa pag ha hajj ko.

Ang dalawang puno ng niyog sa dream ko ay ang safah at marwa na 7x mong lalakarin paulit-ulit at ang maraming taong naka puti ay ang mga kapwa ko pilgrims

Saturday, April 25, 2009

Baha sa subdivision kakainis!



muzta po kayong lahat? sana ok lang naman at ligtas sa baha, he!he! grabe! ito po makikita nyo na mataas pa rin ang tubig dito samin, dalawang buhos lang ng napakalakas na ulan ito na ang nagisnan namin, buti nalang tumila rin agad, kung hindi...siguro nagising kaming lumulutang ang aming hinihigaan.

Medyo matagal na rin kami dito at ngayon lang nangyari ang ganitong baha, aba! nasa hagdanan na namin ang tubig, eh...kaya naman pala, mga pasaway na walang malasakit sa kapwa! sukat ba namang tambakan ang lagusan ng tubig palabas saming subd. ano pa nga ba ang aasahan pag umulan? eh...ito ngang baha!

Bakit kaya ganon may mga taong sarili lang iniisip, tulad nalang ng mga walang modong nag tatapon ng mga sako-sakong basura kahit saang lansangan, tama bang alisin mo ang basura sa inyong tahanan at itapon nalang kung saan? wala kayong paki alam sa kapwa nyong maaapiktuhan! di nyo ba inisip na...pano kung sa inyo gawin ang ganyang kababuyan? ayaw nyo diba? so...gumawa tayo ng tama ng tayong lahat ay mabuhay pa ng mahaba, lalo pa ang mga bata! Maraming salamat po!

Pasensya napo sa mga tinamaan, talaga pong nagsasabi lang ako ng kung ano ang aking nakikita sa kapaligiran, mas maganda po kasing tayo'y mag tulungan para sa kalinisan a\ng ating kalikasan!

Wednesday, April 22, 2009

Tilapia or bangus, daing

Mga sangkap:

1-kilo medium tilapia
1-tsp durog black pepper
1-cup suka
1-tbsp.garlic mashed
1-tbsp iodized salt
1/2 tsp umami
1-tsp-chilli powder

PAMAMARAAN:

Paghaluin ang lahat ng sangkap at isang tabi.

1- linising mabuti ang isda, kaliskisan at biyakin sa likod(gawing daing) alisin ang lamang loob.
alisin ang tinik mas mabuti.

2- Hugasang mabuti at ilagay sa isang salaan upang ma drain ang tubig, at pagkatapos one by one, sawsaw ang dinaing na isda sa pinag halong mixture, ilatag ng flat sa isang tuffer ware, at ang natirang sauce ibuhos sa isinalansang daing. takpan at ilagay sa ref, ibabad ng mag damag.

3-Ilatag sa isang net ang isda at ibilad sa malakas na sikat ng araw for two days, bantayang mabuti upang di maubos ng pusa at...madapuan ng langaw, upang maiwasan ang pagkakaroon nitong maggots! (yaks!)

Friday, April 17, 2009

Ted Failon’s wife shot in the head!

April 15, 2009 Wednesday...ang asawa po ng journalist na si Ted Failon was shot in the head inside their residence in Quezon city. Malubha po ang kalagayan nya.ayon sa sulat na iniwan nya ay may problema sya, kung ano man po yon ay igalang natin sila.

Today, April 17 2009 friday
pumanaw napo sya.(trina Etong) ipag dasal po natin ang katahimikan nya at bigyang lakas ng mahal na Panginoon ang mga mahal nyang naiwan, lalo na ang kanyang mga anak at asawa.

Sa mga pulis na humuli sa mga kamag anak ng namatay, maling-mali naman ang ginawa nyong pag huli sa kanila, hindi naman sila mga criminal para bitbitin ng ganon,konting pag galang naman po, para igalang din kayo, naturingan pa naman kayong mga alagad ng batas, taga pagligtas ika nga!

Wednesday, April 15, 2009

Bulacan Fashion Exchange summer sale 2009!


This lovely blue imported fabric swimsuit is just P450.00
and this blue stripes cotton shirt is P380.00 so...what your waiting for? order na kayo! its free delivery if you ordered worth of...P800 to 1,000

Friday, April 10, 2009

Bulacan Fashion Exchange summer sale 2009!


This black polka cotton dress is just...(435.00)
Olla!!!just want to shown some items, just order if you want! he!he! sa area ng muzon san jose bulacan, free delivery charge sa lahat ng may order worth of...P800.00 to 1,000! ano pa, order na! A quick fashion can fix on our budget.

I like this Indra green dress, you well have this for just (490.00) good for shopping, walking around,and...for the beach! i will post some soon. thanks!

Thursday, April 9, 2009

Easter food"




Fasting muna po tayo ngayon, sama-sama tayo sa pag gunita ng mga pinag daanang hirap ni Jessus upang tayo'y iligtas. Ayon po sa matatanda, bawal daw pong kumain ng meat sa mga panahon ng semana santa, ok lang po kung susunod tayo diba, marami namang mga pamalit, mag gulay at isda tayo, masustansya pa!

ito po adobong pusit, sarap! masmarami pa kayong makakain, try it!

"putol ang step-in ko"



Grabe! talagang byernes santo, nag wala ang alaga namin, dahil tinalian ko sya ng sya'y aming iwan kahapon, eh...takot lang naman ako masagasaan sya! tapos...ito, kinagat nya favorite step-in ko! sayang talaga, kahit luma na ito mahal ko ito kase isa ito sa bigay ng mahal ko.

Anyway, ok na rin dahil step-in lang ang na perwisyo, he!he! wala lang po, post ko lang kasalanan pet ko. happy holy week to everyone!!! God Bless!

Tuesday, April 7, 2009

Myka!





Ipinanganak po sya nong Nov. 30, 2008 Sunday po yon, here in muzon san jose del monte bulacan, Ibinigay sya samen ng Dec. 29, 2008. inalagaan namen syang mabuti as a member of our Family, maliit pa sya non, kaya kaylangan talagang dumide pa sya, kaka-awa kase malayo na sya sa kanyang ina, so....bumili nalang kame ng bottle for her, pra mabuhay sya.malilit umiyak, lalo na sa gabe, kaylangan balutinmo sya para di ginawin.

Habang lumilipas ang mga araw at buwan lumalaki syang kakaiba sa mga karamihan, pag aalis namin eh...nauuna pa syang sumakay at pag naiwan naman sya asahan mo, sya na ang mag bubukas ng gate para sayo, at yayakapin ka ng husto, sa sobrang saya nya...malimit umiiyak na si trish kase...lagi syang natutumba kapag dinamba na sya ni myka.

Alam nyo...kapapanganak lang nya nong March 30, 2009 araw ng lunes, 7:30 pm tatlong cute na tuta, isang dirty white na may black dot sa noo ay ...si Volt, black with small white necklace...si `Rocket, at yong medyo malaki ang white sa batok ay si Emo"

Dati nong pregnant pa lang sya ito yong anak nya, he!he! si miming, (dop) kase adopted lang yan!

Sunday, April 5, 2009

"Palaspas!



grabe!!! ang dami pong tao ngayon sa simbahan! palaspas kase, at sa dami ng tao at palaspas akala ko ...natabunan na ang Mr ko, he!he! biruin nyo po ang tagal bago kami mag kita, kase di sya makasingit palabas, prang mga langgam ang tao, closed po ang kalsada,tapos...makikita nyo lang....eh talagang mga friendly ang mga pinoy! kawayan ang dami! yon nga lang mga palaspas!

Pagkatapos po ng palaspas misa na po, ang ganda ng aral today. Its goes like this....ang Topic po ay....Pag mamahalan, May mag asawa po na...puno ng hinanakit or sama ng loob ang dibdib, minsan nag karoon sila ng pag kakataong mag usap tungkol sa kanilang sitwasyon, ano ba ang kinagagalit mo saken? sabi ng lalaki sa kanyang may bahay, pinag pagawa naman kita ng magarang tirahan, magandang kotse, at mamahaling alahas, lahat ng gusto mo ibinibigay ko sayo, patuloy ng lalaki.

Oo nga, binigay mo saken ang lahat ng luho, pero ni minsan...hindi ko naramdaman na binigay mo ang yong sarili saken! (ooppsss! isip nyo!!!)
Sa usapin pong ito, malinaw na hindi lang sa mga materyal na bagay ang ikakasaya ng mag asawa dipo ba? Mas maganda po na iparamdam natin ang pag mamahal natin sa kanila, dahil sa totoo lang po, kahit di kanon karangya ang buhay if....nararamdaman nating andyan lagi ang mahal natin eh...labis ng kayamanan yon.

salamat po, and...happy Holly week, ingat po tayo sa mga pupuntahan naten at wag kalimutang gunitain ang mga pagpapasakit ng ating panginoon! GOD BLESS everyone!

Saturday, April 4, 2009

Family gimik!

muzta napo kayo? sorry ha, hindi ko pa post karugtong ng story ko, medyo....busy po sa family ko, kakatapos lang ng graduation, kaya ito hinihingi na ng mga kids ang kanilang prize for there medals!lakwatcha time kame mag hapon. nag try kame kumain sa "Supper Bowl" ok nman sya masarap yong mga pag kain nila, kaiba lasa.

Affordable din ang presyo, wow libre anunsyo yan ha! he! he! gusto ko yong...chopsuey nila, unique ang lasa nya. crispy fried checken try nyo rin!



ayan po yong pinaka-chopsuey, sarap!
yan po and seafood rice,yummy!masarap po yan,i for got what is it, he!he! just try it!

Wednesday, April 1, 2009

Kwentong pag ibig ,Pag-wawakas!



Habang nasa Jeddah si Harry, si Rysa naman ay laging may sakit sa Riyadh, pabalik-balik sya sa hospital, at dahil sa kalagayan nya iniwan nalang sya nila Princess, na dapat talagang kasama sya sa London, dahil si Rysa ang translator ng amo.

Sa araw-araw tumatawag si Harry para kahit sa telepono ay maramdaman nilang mag kalapit sila, hindi sinasabi ni Rysa ang kalagayan nya, ayaw kase nyang mag alala ang nobyo.Sa araw na ito babalik nanaman sya sa doktor, nay puring....hirap napo ako sa mga Doktor sa ospital don, hindi sila marurunong, medical sila ng medical sakin di nila malaman kung bakit ako laging may lagnat, ayoko napo sa ibang lahing doktor, ilipat nyo po ako sa Filipino doktor.

pag kasabi ni rysa ng ganon, lumakad na nga sila sa ibang hospital, sinabi nya ang mga nararamdaman nya, at ang kutob nyang baka buntis sya! lumipas ang ilang sandaling pag susuri, lumabas nga sa resulta na 16 days na syang buntis.pag uwe nya ng bahay, itinapon na nya ang mga gamot na ipinaiinom ng mga naunang doktor.takot at saya ang nararamdaman nya ng mga sandaling yon.

Anon gagawin ko...wala kaming hawak na papel ni harry, bawal na bawal ang kalagayan ko dito. Ipinaalam agad ng secretary sa princessa ang kalagayan ni Rysa, masaya ang lahat dahil madaragdagan daw ang pinay sa palasyo, bukod doon, may magiging laruan sila. wala ring problema sa palasyo ang kalagayan nya, pro...sa pag lipas ng mga buwan, ang daming naiisip ni Rysa sa mangyayari sa anak nya, werdo...pero...tulad ng.....

Paano kung kunin nila anak ko pag labas??????hindi nila saken bigay!anong laban ko ni wala akong papel na hawak na kasal ako! malayo pa si harry.hinayaan na rin ni rysa na di ipaalam kay harry ang balak nyang pag uwe,naisip nya kase na baka mag ka problema pa, makulong pa silang dalawa.nag paalam na si rysakay princess na alaga nya, na pag...5 buwan na tyan nya eh...uuwe na sya, pnayagan naman sya.

Hanngang dumating ang araw ng alis nya, yon din yong time na nag kausap sila ni harry, sinabi nya na uuwe na sya, kase malaki na ang tyan nya. ayaw pumayag ni harry, sana raw sinabi ko na mag papakasal kame sa riyadh...para dina ako umuwe, gusto ko nga sana yon, pero alam kong mahirap yon sa ngayon, dahil....bago pa lang sya sa work nya at isa pa...nararamdaman kong may kahinaan ang katawan ko now, how can i work diba.

Lumipas ang mga buwan at wala silang communication to each other, dahil narin sa palipat-lipat na tirahan, tampulan ng tsimis ang pag bubuntis ni ryza, bulungan na arabo daw ang ama ng anak ko, huh! who care's, basta ang alam nya, nag mamahalansila ng ama ng anak nya.wala syang pakialam sa mga sinasabi ng mga taong mapang husga.kahit malayo si harry kay indi ito pumapalya ng pag sulat at minsan nakakatawag din.(dipa kase uso cp noon)

hanngang isilang na ni Ryza ang anak nila ni harry, ang tanging kasama lang nya sa bahay ay ang kanyang mama, at pag lipas ng isang taon at kalahati umuwe si harry sa kanyang mag ina at kahit ayaw lumapit ng anak nya ay masayang masaya sya, at sa di kala unan ay naging malapit narin sa kanya ang anak.

S a napaka bilis na pag lipas ng panahon..13 years na pala ang nakalipas, masayang masaya pa rin ang mag asawa, lalo na't binabalik nila sa alalaala kung pano sila nag kakilala at nag simula ang kanilang pag mamahalan, sa ngayon wala nang mahihiling si Ryza. Kuntinto na sya kapiling ang mapag mahal na asawa at tatlong anak. Maraming salamat po sa pag tangkilik ng kwento ko, he!he! sana po wag kayong mag sawa.