This is where I share my cooking recipes and anything to ease the work of mothers around the world... enjoy!
Saturday, April 25, 2009
Baha sa subdivision kakainis!
muzta po kayong lahat? sana ok lang naman at ligtas sa baha, he!he! grabe! ito po makikita nyo na mataas pa rin ang tubig dito samin, dalawang buhos lang ng napakalakas na ulan ito na ang nagisnan namin, buti nalang tumila rin agad, kung hindi...siguro nagising kaming lumulutang ang aming hinihigaan.
Medyo matagal na rin kami dito at ngayon lang nangyari ang ganitong baha, aba! nasa hagdanan na namin ang tubig, eh...kaya naman pala, mga pasaway na walang malasakit sa kapwa! sukat ba namang tambakan ang lagusan ng tubig palabas saming subd. ano pa nga ba ang aasahan pag umulan? eh...ito ngang baha!
Bakit kaya ganon may mga taong sarili lang iniisip, tulad nalang ng mga walang modong nag tatapon ng mga sako-sakong basura kahit saang lansangan, tama bang alisin mo ang basura sa inyong tahanan at itapon nalang kung saan? wala kayong paki alam sa kapwa nyong maaapiktuhan! di nyo ba inisip na...pano kung sa inyo gawin ang ganyang kababuyan? ayaw nyo diba? so...gumawa tayo ng tama ng tayong lahat ay mabuhay pa ng mahaba, lalo pa ang mga bata! Maraming salamat po!
Pasensya napo sa mga tinamaan, talaga pong nagsasabi lang ako ng kung ano ang aking nakikita sa kapaligiran, mas maganda po kasing tayo'y mag tulungan para sa kalinisan a\ng ating kalikasan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment