Wednesday, April 22, 2009

Tilapia or bangus, daing

Mga sangkap:

1-kilo medium tilapia
1-tsp durog black pepper
1-cup suka
1-tbsp.garlic mashed
1-tbsp iodized salt
1/2 tsp umami
1-tsp-chilli powder

PAMAMARAAN:

Paghaluin ang lahat ng sangkap at isang tabi.

1- linising mabuti ang isda, kaliskisan at biyakin sa likod(gawing daing) alisin ang lamang loob.
alisin ang tinik mas mabuti.

2- Hugasang mabuti at ilagay sa isang salaan upang ma drain ang tubig, at pagkatapos one by one, sawsaw ang dinaing na isda sa pinag halong mixture, ilatag ng flat sa isang tuffer ware, at ang natirang sauce ibuhos sa isinalansang daing. takpan at ilagay sa ref, ibabad ng mag damag.

3-Ilatag sa isang net ang isda at ibilad sa malakas na sikat ng araw for two days, bantayang mabuti upang di maubos ng pusa at...madapuan ng langaw, upang maiwasan ang pagkakaroon nitong maggots! (yaks!)

No comments: