Showing posts with label graceville -1 subd muzon san jose bulacan. Show all posts
Showing posts with label graceville -1 subd muzon san jose bulacan. Show all posts

Friday, May 22, 2009

Free sample daw...luko lang pala!



Katatapos ko lang mag ikot sa mga blogsite,at nag pa member din ako sa Pinoy bloggers, yong ikukwento ko sa inyo ngayon ay maaaring
kapulutan nyo ng aral, tungkol ito sa isang lalaking nag titinda ng mga chinese medicines, minsang napunta kame sa isang pamilihan dito sa bulacan, sa entrance palang may haharang sa inyong isang babae na mag bibigay ng coupon, ituturo kayo sa kasama nya na umano daw ay bibigyan kayo ng libreng sample!

Pagdating nyo sa location...ito ang magaganap, konwari dadasalan kayo, tapos ang daming ik ik, gamot na ito para sa anoetc..etc, may..lucky charm, may kagat sa aso! usyosera ang lola nyo kaya ito nakasagap ng malalaking panluluko, he!he!he! pila ang mga kamay nyo pabilog, (sabe ng lalake) sa bawat gamot na matatanggap ay libre, sa susunod ay may bayad na ito, pro sandali...

Bakit may sample price na, kc...ang isang gamot daw ay...mabibili sa botika ng 140 pesos, magkano daw sobra sa 100? its 40 diba? so yon na ang babayaran mo sa binigay sayong med. ito malupettt!!!! isang lucky charm na ang ibinigay nya sa mga costumer para daw ito sa negosyo, paniningil ng pautang blah..blah..la, at di nya daw bibigyan ang mga nakasimangot! ngitian naman ang mga nakapila, ay naku!!! 1,100 daw ito sa drug store...magkano ang sobra sa 1,000? tanong ng kepweng....100 po! sagot ng mga naluko, at binigay na nga po!at..kailangang mag bigay ng 100 ang mga pobreng naluko! wala na silang magawa, naluko na eh.

Asan ang free sample na sinabi ng sidekick kanina? maliwanag na luko diba? so mag ingat po tayo, ang itsura po ng lalaking ito ay medyo mataba, maitim, kulot ang buhok, at medyo balingkinitang babae may edad na ang kasama nya, post ko lang to pra sakali maka iwas kayo agad sa mga ganitong pag kakataon.

Saturday, April 25, 2009

Baha sa subdivision kakainis!



muzta po kayong lahat? sana ok lang naman at ligtas sa baha, he!he! grabe! ito po makikita nyo na mataas pa rin ang tubig dito samin, dalawang buhos lang ng napakalakas na ulan ito na ang nagisnan namin, buti nalang tumila rin agad, kung hindi...siguro nagising kaming lumulutang ang aming hinihigaan.

Medyo matagal na rin kami dito at ngayon lang nangyari ang ganitong baha, aba! nasa hagdanan na namin ang tubig, eh...kaya naman pala, mga pasaway na walang malasakit sa kapwa! sukat ba namang tambakan ang lagusan ng tubig palabas saming subd. ano pa nga ba ang aasahan pag umulan? eh...ito ngang baha!

Bakit kaya ganon may mga taong sarili lang iniisip, tulad nalang ng mga walang modong nag tatapon ng mga sako-sakong basura kahit saang lansangan, tama bang alisin mo ang basura sa inyong tahanan at itapon nalang kung saan? wala kayong paki alam sa kapwa nyong maaapiktuhan! di nyo ba inisip na...pano kung sa inyo gawin ang ganyang kababuyan? ayaw nyo diba? so...gumawa tayo ng tama ng tayong lahat ay mabuhay pa ng mahaba, lalo pa ang mga bata! Maraming salamat po!

Pasensya napo sa mga tinamaan, talaga pong nagsasabi lang ako ng kung ano ang aking nakikita sa kapaligiran, mas maganda po kasing tayo'y mag tulungan para sa kalinisan a\ng ating kalikasan!