Thursday, April 1, 2010

Mahal na araw!


Kuha ito sa loob ng simbahan, makikita naten sa lugar na ito lahat ng Santo ay naka cover, maliban kay Jesus, sa baba naman ay makikita naten kung saan sya inilibing noon. Naabutan pa namen ang Novena.


Araw ng pangingilin, sakripisyo, pagtitiis at paggunita sa kamatayan ni jessus. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang ilang larawang kinuha ko kagabi sa aming pinuntaha, sa national Shrine of Divine Mercy, matatagpuan po ito sa sta. Rosa-1, marilao, Bulacan.

Subvukan nyo pong dumalaw minsan, at tinitiyak kong magugustuhan nyo po ang palagiang pag dalaw dito, kasama ang inyong pamilya.

Lagi po nating alalahanin na napakasarap isipin na lagi nating kasama ang ating pamilya, lalo na sa minsanang pag lalakad, kita nyo po ang bunso ko nagpakarga na sa papa nya, pagod...pero magaan sa pakiramdam.

Kinunan ko rin ang napakaraming mga deboto roon, sayang nga lang at diko nakunan ang sinakulo, kase sa dami ng tao...di ako makasingit!

Kuwaresma at ang El nino!!!!

Kuwaresma na at kasabay nito ang pagtindi ng El Nino. dalawang kapaligiran ang tila natutuyot,ang kalikasan at ang kalooban.dalawang uri ng kapabayaan at kawalan ng pag mamalasakit ang sanhi ng katuyutan sa dalawang ito.Nauubos at nawawala na ang tubig dahil sa kawalang- malasakit para sa kalikasan na makikita sa pag aksaya at abusadong paggamit ng tubig at sa pagsira ng mga pangangailangan nito tulad ng bundok, mga lawa at ilog.Nauubos din ang panloob na tubig, ang tubig ng ating kaluluwa at pagkatao dahil sa ating pagpayag sa kababawan, kaplastikan at kawalan ng malalim na kabuluhan na siyang pinaglalaban ng buhay.

Dahil dito, nanunuyot ang dalawang larangan ng ating buhay, ang panglabas at pangloob o ang ating Espiritu.

Kuwaresma ngayon, magandang pagkakataon na kapwa tingnan at kumilos para tunghayan ang panunuyot ng kalikasan at kalooban. Marami tayong bagay na maaring gawin. Tulad ng tangkilikin at protektahan ang tulad ng tubig at kalikasan ng kaluoban.

Iwasan at itigil na ang anumang uri ng pag-aaksaya sa anumang bagay lalung-lalo na ng tubig, panahon, pera, talino at kung ano pa, Ituro ang pagtitipid sa mga bata. Sikapin ng mga nakakatanda na maging mabuting halimbawa.

Manahimik araw-araw at suriin ang personal na buhay at tingnan kung paano tayo nag-aksaya o nagmalasakit sa araw na nagdaan. Sa pang araw-araw na pananahimik,ating padadaluyin ang tubig ng konsensya at ating pasisiglahin ang ating kalooban.

Ang akda pong ito ay nabasa ko sa PILGRIM, isinulat kopo upang maibahagi sa iba pa, sana po ay makakuha tayo ng isang bagay na dapat na nating umpisahan, isang bagay na makakabuti sating kalikasan at sating lahat, naway mag karoon na tayo ng aral sa mga kasalukuyang nangyayaring trahidya sating mundo.

Saturday, February 13, 2010

Valentine's Day 2010


Just want to share my beautiful bouquet from my loving hubby, Happy Valentine's everyone, God Bless us all! at maging more strong ang pag sasama ng bawat mag asawa! be polite everyone!!!

Sunday, January 31, 2010

Happy valentine's!!!

Happy Valentine's everyone! ilang araw nalang February 14 na, yan ang araw ng mga puso, but...we really don't need to wait lagi ang exact date to loved each other or...to give gift to our love ones, mas masaya kung lagi tayong may time sa mga mahal natin sa buhay, yong maalala natin sila always, alam nyo na, life is so short, wag na nating hintaying dumating lagi ang Feb.14 para masabi mong mahal mo ang isang tao.

Sometimes kase...pag kasama mona ang isang tao parang...wala lang, yong isip mo andyan lang sya, lagi mong nakikita, kasama mona sya lagi, kaya ok lang na nakikita mo sya sa loob ng bahay, dimo alam hinahanap ka rin nya, yong dating ikaw, pag lipas ng mga araw dimo napapansin...naiilang na sya sayo, nahihiya na sya sayo tulad ng ibang tao,ikaw, hihintayin mopa bang sumapit ang araw ng mga puso bago mo sabihing mahal mo sya?????

Sunday, January 3, 2010

Happy Birthday Tricia yuson!!!


Ang daling lumipas ng panahon, parang kaylan lang baby kapa, at ngayon 6th birthday mona pala, Happy Birthday baby!!!

Si trish po ang bunso namin, bata palang masinop na, kahit piso talagang sinisinop nya, kase daw...bibili kame ng magandang kotse! wala syang pangarap na mababa o pang bata, gusto nyang maging doktora, sabi ko mahal yon anak, baka di natin kaya, ok lang ma, ,mag aartista ako, habang nag titinda ng gulay at chicken para makapag patayo ng mataas na building!( ang labo ng anak ko no? ilang taon kaya sya mag tinda ng gulay at chicken) siguro ibig nyang sabihin maraming paraan para maabot ang isang pangarap, tama nga naman.

Sana madala nya gang pag laki nya ang adhikain nyang yan! suportahan taka nak, he!he!

Happy new year!!!2010

Happy new year everyone, even its late!!!God Bless us always,

Thursday, December 3, 2009

Happy Christmas everyone!!!

Count down naba kayo??? merry x mass po sa inyong lahat!!! sana po maging masaya at sama-sama ang buong pamilya.

Saturday, November 14, 2009

Pacquiao Vs Cotto fight!!!


Manny Pacquiao-Miguel Cotto mega-fight saying the outcome will be decided not only by the fighters in the ring but the role both corners play.

Ito na ang muling araw na pinakahihintay natin, mahirap ang laban dahil kita naman natin ang katawan at lakas din ni Cotto, pero...ako, alam kong kakayanin ng pambansang kamao natin na maipanalo ang labang ito,at ang labang ito ang bagong masusulat na...7x sunod-sunod na panalo ni Pacman, he!he! pwesto na tayo, malapit na!

Round 1:

Monday, October 26, 2009

Halloween!!!

Padaan daan lang po, kamusta sa lahat! medyo busy sa pag gawa ng custume ng tatlo ko, yap!!!gawa ko lang, kailangan kase ngayon tipid para makaraos sa lahat ng bagay, he!he! gusto nyong makita gawa ko, medyo masalimuot, pero okey narin!

Ginawa ko isang kapa ni Vampire para sa baby boy ko, Sadako for my Princess, and...little kamatayan for my Trish.

Friday, October 9, 2009

Ginataang alimasag....


SANGKAP:

1- kilo medium alimasag
kalabasa as u like
1- big coconut
1-med onion
3-pcs. sili green
1-cup malunggay leaves
1-cup string beans (sitaw) or sigarillas
4-cups water
salt to taste, ajinomoto

PAMARAAN:
hugasang mabuti ang alimasag, siguraduhing nalinis ng ayos,
gataain ang niyog,ibukod, igisa ang sibuyas till ligth brown, ibuhos ang gata haluin ng dahan dahan hanggang kumulo, ilagay ang alimasag, sili, after 2 minutes isunod ang sitaw....kalabasa, hayaang kumulo sandali, haluing minsan, upang di madurog, timplahan ayon sa pang lasa,huling kulo ilagay ang malunggay, hanguin.

Experiment....sarap!!!

Ingredients:

1- egg(beaten)
1- cup Quaker oats
hot dog as needed
quick melt cheese
sliced bread (gardenia is better) make it flat by using rolling pin
cooking oil ( good for frying)

Procedure:

gawing parang spring roll, ipalaman ang cheese at hotdog, dip to the beaten egg, then roll it to the Quaker oats. then fry it untill ligth brown.

** mas masarap to pag medyo mainit pa, im sure... your kids will like it! yummy!!!

Alyssa Bernal...San Antonio

.....medyo na trapik ako, pag open ko kase ng site ko, nakita ko agad itong blog ni Super G, tungkol dito kay Ms Alyssa Bernal, click ko nga agad, akala ko si Vanessa Hudgens yong sa High school musical, he!he! look like lang pala, pang pinay lang pala name nya pero taga San Antonio, lupeeeeeet ha, galing ng boses, may mararating sya. tnx super G...


Friday, October 2, 2009

Csjodem prisa ....2


Ito na ang picture ng ating kandidata,yan ang aming pinag hirapan, sorry late ang post !
diko parin napa scan iba, he!he! sexy baby ko noh!
Ito ang casual wear, medyo malabo
Post lang anak kahit pagod na!
Thanks for dropping by! God bless!

Typhoon Pepeng!

Talaga bang galit na ang kalikasan? di pa man nakakabangon sa bagyong Ondoy....Ito nanaman ang pag sagupa ng panibagong bagyo, ano na kaya ang mang yayari sa mga kaawa awang mas higit na nasalanta ng bagyong nag daan, makakabangon pa kaya sila kung ganitong....ito nanaman si Pepeng???

Ang malakas po nating gabay sa ngayon ay ang taimtim na panalangin, tutulungan nya tayo, sakali mang medyo mabigat ang maranasan nyo, wag sanang sasagi sa isip nyo na pinabayaan na tayo ng mahal na lumikha, pag subok lang satin to para mas maging matatag ang panalangin natin sa kanya, at isa narin itong pag kalampag sa karamihang nahihimbing at nakakalimot sa lumikha, maging aral sa bawat isa satin ang mga nang yayaring sakuna, igalang natin ang kalikasan, upang ganti nitoy ating maiwasan.

Thursday, October 1, 2009

CSJODEMPRISA...abangan nyo!

Bilang magulang we loved our kids diba? we need to support what they really like to be, he!he! kabilang ang anak ko dyan at her age of 5 talagang makikita na ang kanyang gusto, sabi nga nya samin ng papa nya...she want to be a Ms universe someday and... maging Pedia, who knows diba, besides libre ang mangarap, at ito nga were to busy sa nalalapit na mz Prisa sa Oct.03, 2009 that will be on Saturday na.

manalo matalo, ok lang coz...its just to build there self confident, pero its more be better if...manalo sya diba? abangan nyo po, i will post some photos after the Pageant, at taus puso po naming ipinararating ang aming pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta.

Maraming salamat po sa mga sumusunod...

To my hubby who really support us sa kakulitan naming mag ina!

to all the staff of medical data services inc, to ate Cristy Yuson, to our Ninang Nora Salasac in Muzon sn jose bulacan, Ms, Lerming Cataniag of muzon Bulacan, to ate Marita Bautista in San Vecente Bulacan, to my super kulit friend..Leny Buenaventura of Muzon sn jose Bulacan, to ate Espie Nucillado in Muzon also, to all ninangs...Maricel Decena of Cyprus, Imee Maneja, Mariam Bacusa of Riyadh K.S.A, to my brothers...Vanie, Joel and kuya Lito Lorenzo of Riyadh,mga bro thanks sa lahat, sisters... Beth Ape Lorenzo, Jo Cabuang Lorenzo, Ninong Janno Constantino of Muzon, to my Mom sally Lorenzo,Thanks everyone, God Blesss us!!!

Bagyong Ondoy....walang awa!!!

Buksan natin ang ating puso sa lahat ng naapiktuhan ng bagyong Ondoy, nakikita natin sa araw-araw na mga balita ang mga kaawa awang biktima nito, ang mga batang walang makain at may mga sakit, sana kahit sa simpling tulong magawa natin, at wag nating kakalimutan ang manalangin sa puong may kapal.

Kahabag-habag lalo na kung makikita mo sa personal ang kanilang mga kalagayan,sa tagal kong pinag mamasdan ang lahat ng aking dinadaan...diko na malayan tumutulo na ang luha ko, naisip ko totoong mapalad pa ako, nayayakap ko pa ang mag aama ko, kasama ko ang mga mahal ko, pano kaya sila? kompleto pa kaya sila gayong inanod na ng baha ang bahay nila? mga gamit na naka kalat sa labas na wala ng kapakinabangan, mga bahay na wasak, at puno ng malapot na putik.

Kabuhayang pinag hirapang ipundar, mga pangarap na pilit tinupad para sa mga mahal na pamilya....ngayon, sa isang iglap wala na, Pero...taus puso po tayong mag pasalamat sa diyos....kabuhayan lang ang kinuha, wag lang po ang mga mahay nating pamilya, sa tulong po ng bawat isang membro ng pamilya, may awa ang diyos...makakabangon tayong muli!

Sa lahat po ng mga kabayan kong nasalanta at nag hihirap din, wag po tayong mawalan ng pag asa...sabi nga po, nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa, mahirap mag umpisa muli, pero...kaya po natin yan.

Saturday, September 19, 2009

EID MUBARAK!!!



Eid mubarak to all mulimin!!! natapos na rin ang one month fasting for ramadan ng mga kapatiran nating Islam, Sept 19 end of fasting, at ngayon nga po ay ipinagdiriwang na ang eid, ano ba yong tinatawag na eid? yon po yong...New year for Islam.Panahon ng pag papatawad, palitan ng hadiyah or gifts sa mga mahal sa buhay.

malapit lang kame sa Mosque, at kagabe nagtaraweh na sila, and my son asked me na why they praying like that?(masyadong malakas!) dipo ba maririnig din sila ni God kahit pabulong? natawa ako sa kanya, diko alam pinakikinggan din pala nya yon, ( pag basa ng Qu'ran sa mosque) sabi ko sa kanya....Anak, Iman yang naririnig mong malakas ang boses, ( anong Imam ma?) imam, sya yong nangangaral at bumabasa ng mga surah ng malakas para maintindihan ng iba, ah....naintindihan nya na sinabi ko, he!he!

Sakin walang problema, kahit anong relihiyon basta alam mong gumagawa ka ng tama at wala kang naaagrabyado ok lang, dahil sa totoo lang kahit napakaraming relihiyon, iisa lang naman talaga ang diyos amang lumikha, iba-iba lang ang paniniwala di po ba? sagot kayo dyan!

Mayweather Vs Marquez!



September 20,2009 ito na ang matagal na nating hinihintay, ang Juan marquez vs Floyd Mayweather fight live to saGM grand in Las Vegas, it shown nanawawalan na ng pag asa si marquez dahil di nya matamaan si Mayweather ha.

Grabe, lupet talaga nitong si mayweather nasa round 5 na pero di man lang sya natitinag, di sya natatamaan ng mga pakawalang suntok nitong si Marquez, mayweather ako, ikaw pusta ka?

Galing!!! Congratulation Floyd Mayweather! Pacman! Pacquiao!

Sunday, August 30, 2009

Agosto....linggo ng wika......

Magandang araw po sa inyong lahat mga kababayan ko, pasensya na kayo at nahuli ako sa post ko, mangyari po kasing masyado akong naging abala, subalit....naihabol ko rin po, he! he! ibabahagi ko po sa inyo ang mga larawan at maga ginampanan ng mga natatanging mag aaral ng L.G.I

Ito po yong sa sabayang bigkas ng 2nd year_A kasama po dyan ang princess ko at sila po ang nanguna sa patimpalak!
Kinder 2 ang sumayaw ng bulaklakin!

muli, isa pang sabayang bigkas ginanapan naman ng unang pangkat, kilala nyo ba yang nasa gitna????

gumagapang po sya bilang nakikipag labang sundalo!
kita nyo yang may pamaypay, lola ko po he!he! 5 taong gulang nasa unang baitang!

ilalathala ko pa po ang iba sa susunod....maraming salamat po!

Monday, August 17, 2009

Pinoy Sole Survivor season 2!!!

Dumating na naman ang araw na pinaka hihintay natin, ang umpisahan ang pangalawang season ng...Pinoy Sole Survivor Philippines, hinati sa 2 ang grupo bilang Koror sa pamumuno ni ate Carol ...Echo, Louie, Tara,Jstine, Marvin, Charles, Suzuki, at Airai sa pamumuno ni Cris, Maya, Vlad, Jef, Amanda, sa palagay nyo sino ang mag wawagi? ako, malakas ang pakiramdam ko babae.



Kita nyo ba, umpisa pa lang talagang makikita natin na medyo kaiba ang mga game at my kahirapan, lalo na ng buhat buhat na nila itong ki bigat-bigat na box, at....kita ang mga ugali ha, unang araw pa lang talagang marami ng naiirita, he!he! goodluck guys!

nanalo ang Airai, ok guyz bukas nalang ulit, nood ulit tayo!

Cris Bolado
Former PBA Player

Mika Batchelor
Sexy Chef

Shaun Rodriguez
Fitness Buff and a Dad

Maya Segovia
Lady Pilot and a Mom

Amanda Coolley Van Cooll
Female Construction Worker in Alaska USA

Charles Fernandez
Businessman/Raketista

Jef Gaitan
Student and Part-time Model

Troy Perez
The Mentalist

Suzuki Sadatsugu
Japinoy Criminology Student

Echo Caceres
Call Center Agent

Vlad Nesas
Brainy Model

Carol Gementiza
Terror Teacher

Marvin Kiefer
Model Hunk

Tara Jane Masias
English Tutor for Koreans

Louie Ang
Chickboy I.T. Professional

Justine Ferrer
Beauty Queen and Businesswoman